Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GINAYUMA BA NI DAVID SI PNOY

$
0
0

BIGWAS_Gil BugaoisanMUKHANG mabagsik talaga ang birtud ng gayumang ipinainom nitong si Bureau of Immigration and Deportation Commissioner Ricardo David kay Pangulong Aquino. Kahit ano kasing kapalpakan ang ginagawa ng kanyang ahensiya ay talagang napakalakas pa rin ng kapit nito kay PNoy.

Mag-iisang taon na naman magmula noong sabunin ni PNoy si David sa pagdiriwang ng ika-72 anibersaryo ng BID at sa loob ng panahong ito ay kabi-kabilang kontrobersiya ang kinasangkutan ng kanyang ahensiya.

Maliban sa ilang ulit na nabuking ang pagpapalusot ng ilang tauhan ng BID sa mga puganteng dayuhan, kabi-kabila rin ang reklamo ng ilan sa ating mga kababayan sa katangahan ng mga bata ni David.

Sa isang kaso na na-monitor natin noon sa radyo ay hindi pinalipad ng isang immigration officer ang isa nating kababayan na mamasyal sana sa Thailand kasama ang kanyang fiance at pamilya nito dahil napagkamalang peke ang kanyang passport. Sobrang kahihiyan ang kanyang inabot sa pamilya ng kanyang nobya at nasayang lamang ang salaping kanyang ginamit upang makabili ng ticket sa eroplano at makapaglagak ng deposit sa hotel na tutuluyan sa Thailand.

Inireklamo ng kawawa nating kababayan ang masaklap na ginawa sa kanya ng tangang immigration officer subalit sa halip na tulungan ay diretsahan itong sinabihan na walang magagawa ang BID para sa kanya. Charge to experience ‘ika nga.

Noong isang araw ay muli na namang sumikat ang BID nang mabunyag ang ginawang pagpapalusot sa Koreanong si Park Sungjun na matagal na palang pinaghahanap sa South Korea dahil sa kasong US$ 25 million investment scam. Dahil nga wanted ay nasa watchlist na dapat itong si Sungjun ngunit sa halip na posasan ay patuloy na labas-masok pa rin ito sa ating bansa. Aba’y sa sobrang lakas nitong si Sungjun sa BID ay may nakatoka pa itong escort na immigration officer!

Maging ang tauhan ng BID na nagtatak sa kanyang pasaporte ay katsokaran din niya. Ang galing naman niya! At hindi lang iyan, binigyan pa siya ng BID ng working visa samantalang alam na alam nila na ito ay isang pugante. Ngunit dahil halatang napasakan ng pera ang kanilang mga bulsa ay hindi na sila nag-aksaya ng panahon upang siyasating mabuti ang pagkatao ni Sungjun.

Ang malaking katanungan ay kung bakit napakalakas ang loob ng mga tauhan ng BID na gumawa ng katarantaduhan samantalang sunod-sunod ng kahihiyang kinasadlakan ng ahensiya.

Naisip ko na dalawang bagay lang ang maaaring dahilan kaya paulit-ulit ang mga katarantaduhang nagaganap sa BID. Una ay alam nila na kayang-kaya nilang paikutin itong kanilang boss na si Commissioner David at ang pangalawa ay pinahihintulutan nito ang kanilang mga gawain.

Si David naman ay walang pakialam sa kalokohan ng kanyang mga tauhan dahil alam nito na hanggang sabon lang ang kayang gawin sa kanya ni PNoy. Sayang nga lang at hindi niya pinahiram ng gayuma ang pinatalsik na hepe ng National Irrigation Administration (NIA) na si Antonio S. Nangel.

Para sa inyong komento at reklamo, mag-email lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com.

The post GINAYUMA BA NI DAVID SI PNOY appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>