Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PINOY FOOD TRIP SA AUSTRALIA

$
0
0

PASAPORTE-BY-JR-LANGITKILALA ang mga Filipino sa pagkakaroon ng mayamang kultura, hindi lamang sa ating kasaysayan kundi maging pati na rin sa mga pagkaing inihahanda natin sa ating mga hapag-kainan.

Balut, adobo, sinigang at marami pang iba – ‘yan ay ilan lamang sa mga pagkaing Filipino na humuli sa panlasa ng mga dayuhang bumibisita sa ating bansa.

Sa aking minsang pagbisita sa Sydney sa bansang Australia, natuklasan kong maaari pa ring matikman ng ating mga kababayan, at maging ng mga tagaroon, ang mga putaheng Pinoy na ating ipinagmamalaki, sapagkat abot-kamay na ang mga ito sa pamamagitan ng isang restaurant doon na kung tawagin ay Philippine Village.

Ang  Philippine  Village ay itinayo at pinasimulan ng ating  kababayan na si Ed Eduardo.

Isa itong sikat na kainan sa Sydney, Australia, kung saan ay maaaring makakain ng mga lutuing 100 percent Pinoy na ipinagma-malaki ng ating bansa.

Ikinuwento ni Ed sa akin ang naging dahilan upang maisipan niyang itayo ang Philippine Village restaurant.

“To tell you frankly, I mean for Australian, never heard pa ang Filipino foods, ang concept is when young for a few items, like kare-kare, crispy-pata and pinakbet,” kwento niya.

Ayon kay Ed, naging isang hamon sa kanya na ipakilala sa mga Australyano ang ating mayamang kultura sa pamamagitan ng paghahain sa mga ito ng mga pagkaing may tatak Filipino.

“Lahat is always special dito,

we’re trying to teach Australian people how to eat kare-kare and crispy-pata in a sense na hindi sila mandidiri, I mean nice presentation, on the way you cook it who knows,” dagdag na salaysay pa niya.

Hindi lamang mga pagkain ang kapansin-pansing Pinoy na Pinoy sa Philippine Village sapagkat maging ang mga empleyado nito, mula ban-dang nagpe-perform, waiter, cook at iba pang mga staff ay pawang mga Filipino rin, kung kaya’t tunay na damang-dama ang kulturang Filipino sa kainang ito.

Para kay Ed, maligaya siya sapagkat, hindi lamang tagumpay ng sarili niya ang sinisimbolo ng Philippine Village restaurant, sa pamamagitan din nito ay nakatutulong siya sa ating mga kababayan na nakikipagsapalaran sa Australia at naipakikilala niya sa buong mundo ang mga putahe ng Pilipino na nagpapakilala sa lahing ating pinagmulan.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng  Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi.
Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

The post PINOY FOOD TRIP SA AUSTRALIA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>