Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SI LADY GAGA NG BAR, MANGGAGANTSO?

$
0
0

baletodoMAGANDA raw ang babae na tinagurian ng halos lahat na katrabaho at kaibigan sa pinapasukan nitong establisimyento bilang si LADY GAGA (LG).

Sa kabila nang medyo may edad na, hindi mo aakalaing may-asawa’t tatlong anak na siya. Sa bihis, sa tindig, marami raw talaga ang naaakit at sinusungkit naman niya.

Marami na ang nagkukuwento sa atin tungkol kay LADY GAGA para makumpirma ang lahat ng “pagmamahalan” ni LADY GAGA at ng kanyang mga biktima.

Dumating ang oras, isang kasama sa Promedia News Forum, si Kuyang EDWARD PEREZ, Pit Manager ng Pagcor at ilan pa sa mga kakilala niya ang nagbunyag ng litanya sa mga ginagawang pakikipagrelasyon ni “Ms. Bartender” na si LG.

Wala namang masama na makipagrelasyon kaninoman pero kung may asawa’t anak na, sana naman ay pumirmi na lang sa pamilya.

Pero sabi ng tropa, okay rin lang sana sa kanila kahit ilan pa ang maging kalaguyo ni LG pero huwag naman sanang magdamay at manira ng kapwa tao niya. Lalo na ang buhay at kabuhayan ng mga nasusungkit niya.

‘Yung ilang “nakasama” ni Lady Gaga, maikli man o may kahabaan ng araw ay natutulala sa gawi ng babaeng maganda.

Sabagay, hindi niya kasalanan na mapasakanya ang kakaibang beauty nang maghasik ang Diyos ng kagandahan sa lupa!

Tama? Amen.

Ang reklamo ay iisang drama. Kapag nahulog sa kanya ang “isang nagmamahal” sa una raw ay napakalambing, napaka-sweet at napakamaalalahanin nito. Kapag “on the bag” na ang karelasyon, hayun na. Hingi rito at doon. Hirit kaliwa’t kanan. Iisa ang iskrip, “para sa pamilya” kaya magaan humugot sa pitaka ang kanyang lover na sobrang libog din naman kasi.

Sa tagal ng hingian, nakakahalata ang kanyang mga “biktima” at umaayaw na sa matamis nilang pagmamahalan. Kapag umatras ang lover boy ni Lady Gaga, malaking problema na raw. Lahat ng klase ng banta ay ginagawa ni LG. Lahat ng paninira hanggang mawasak ang pakner ay nangyayari. Lahat ng lover boy niya ay nagsisisi ngunit ano ang kanilang magagawa? “Kumagat” din sila eh. May nawasak ang pamilya, may nasira ang propesyon at nasira ang magandang relasyon.

Hindi nga naman kasalanan ni LG kung malulong at maulol sa kanya ang mga boy next door dahil sa kanyang kagandahan pero por Diyos por Santo, umaabot sa pananakot at pagkasira ng pamilya na siya mismo ang nakikipagkita sa mga ito para ipaalam ang “sweet hours” na nangyari? Wow! Masahol pa ito sa gawain ng KFR o Kidnap For Ransom.

‘Yung isang kasama niya, natanggal daw sa trabaho.

Nagsumbong umano si Lady Gaga na ninanakaw ang mga paninda nila.

Marami ang tumestigo na hindi totoo ang bintang pero mukhang “malakas” na rin si LG sa kanyang mga bossing. Bakit kaya? Obvious ba ang sagot? Hahaha.

The post SI LADY GAGA NG BAR, MANGGAGANTSO? appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>