Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

FULL BLAST OPS SA BATANGAS IKINASA

$
0
0

bong_padua1NOONG nakaraang Biyernes, Hulyo 12, pinalitan ni S/Supt. Omega Jireh Deocares Fidel si S/Supt. Rosauro Acio bilang director ng Batangas police command.

Dahil kilala si Col. Fidel na ma-galing na police official, marami ang umaasang ito’y magpapakitang-gilas at tutugisin ang mga lawless element sa lalawigan. Pero ano itong ulat na imbes na harapin ang mga kriminal, ang inaatupag daw ngayon ng mga bata ni colonel ay ang full blast operation ng sugalan.

At, sir, take note, isang nagngangalang ‘Jong Valera’ ang kumakausap na sa mga iligalista para sa lalong madaling panahon ay masimulan na ang vice ops.

Kung hindi ako nagkakamali, itong si Valera ay isang ‘ghost cop’ (pulis pero ‘di nagdyu-duty) na ilang beses nang naging tema ng aking column. Siya yaong pulis na isinusumbong ng aking mga police insider na VK operator sa Calamba, Laguna at ilan pang bayan at lungsod sa Region 4-A.

Katunayan, ayon sa ating informant, pinulong ni Valera ang mga financier, operator at maintainer ng lahat ng uri ng iligal na sugal noong Hulyo 14. Sa RSM Restaurant sa Calamba, nagkita-kita raw ang mga lord ng STL bookies, VK, saklaan, jueteng, tupada, paihi (patulo) at kung ano-ano pa.

Aba’y ang tapang daw ng apog ni Valera dahil ang sinabi’y hindi makapag-o-operate nang iligal sa Batangas ang sinoman na wala siyang bendisyon.

Siya raw ang bagman ni Col. Fidel. Hindi ko kilala nang personal si Col. Fidel pero sa aking maliit na pagkakaalam sa kanyang pagkatao, siya’y matinong opisyal. Ilang araw pa lang si colonel sa puwesto, eh, nilalapastangan na ni Valera.

Sa nasabing pulong, nakita ang alias ‘Yolly’ na operator ng pergalan sa Taysan. Financer din umano ito ng mga pergalan sa Mauban, Tiaong at Lucban sa Quezon. Dumalo rin sa miting ang lords na sina Virtucio, Ineo at Indo ng San Jose; Kap. Nelson at Fress ng San Juan; Minda at Nene ng Bauan at San Pascual; Chiudian ng Nasugbu; Ka Pepeng ng Calaca, Natanauan ng Talisay at Togs ng Alitagtag.

Ganon din ang jueteng lords ng Tanauan City na sina Dama at Cancio ng Brgy. Ulango, Dexter at Angel ng Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Ed Villanue-va at Obet Malabanan ng Ambulong, Jun Ocampo ng Bagbag, Ka Teryo ng Luyos at ang vk operators na sina Celo at Teddy  ng San Jose at iba pa.

The post FULL BLAST OPS SA BATANGAS IKINASA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>