Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

A DOCTOR’S MISSION

$
0
0

PASAPORTE-BY-JR-LANGITDATING seminarista, ngayon ay bida sa mundo ng medisina! ‘Yan si Dr. Eusebio Paglinawan-ang nag-iisang Pilipinong doctor sa Siem Reap sa Cambodia at tumatayong Deputy Director ng isang international clinic doon. Tubong Davao si Dr. Paglinawan, at bagaman doon siya ipinanganak at lumaki, ay sa Maynila siya nagtapos ng kolehiyo.

Ayon kay Dr. Eusebio, marami siyang kursong natapos maliban sa pagdodoktor. Naging medical technologist muna siya bago naging doktor at urologic surgeon.
Naikuwento rin niya na una siyang naging seminarista, subalit nang mamatay ang kanyang ama, pinili niyang iwanan ang buhay sa seminaryo upang higit na makatulong sa mga may karamdaman.

Naging aktibo si Dr. Paglinawan sa pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga kapus-palad at pagiging bahagi ng maraming medical missions para sa mga mahihirap nating kababayan. Sa isang international hospital sa Cambodia siya nagtatrabaho bilang isang siruhano sa imbitasyon ng isa niyang kaibigan. Naging simula iyon ng karera niya bilang deputy- director ng Reaksmey Angkor International Clinic sa Cambodia.

Dahil sa rami ng kanyang kaalaman at eksperyensa sa pang-gagamot sa Pilipinas, hindi na siya nahirapang mag-adjust sa kanyang bagong trabaho sa Cambodia. Sa katunayan kahit halos iilang buwan pa lamang siya sa klinikang pinapasukan niya roon ay marami na rin siyang nagawa at naiambag para sa ikagaganda ng nasabing institusyon, kabilang na ang pagiging isang huwaran at ulirang doctor.

Ayon sa kanya, ay hindi niya kailanman kinalimutan na higit sa salapi, ang pangunahing tungkulin ng isang doktor ay ang tumulong sa kapwa upang madugtungan ang buhay ng mga ito. Sa paglipas ng panahon, tila naging isang misyon na para kay Dr. Eusebio ang pagtulong sa kapwa, sapagkat kahit na nasa ibang bansa na siya ay nananatili pa rin sa kanya ang puso sa pagtulong hindi lamang sa ating mga kababayan kundi maging sa bawat isang taong nangangailangan ng tulong medical.

Sa gitna ng aming usapan ay nabanggit niya sa akin na isang hamon para sa kanya ang sumagip ng buhay sapagkat mula rito ay nakakukuha siya ng kakaibang kaligayahan na nagsisilbing tagumpay niya.

Ang pagtulong ay isang pribilehiyo na ibinibigay ng Maykapal sa atin, kung kaya’t kung mayroon din lamang tayong sapat na kakayahan at pagkakataon upang gawin ito para sa ating kapwa, marapat lang na samantalahin natin ito.

Gaya na lamang ni Dr. Eusebio Paglinawan, isang natatanging doktor na sa halip na magbilang ng kita ay ginawang misyon ang pagtulong sa kapwa na siya ngayong nagsisilbing tagumpay niya sa buhay.

The post A DOCTOR’S MISSION appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>