SA magkasunod na istoryang inilabas natin ukol sa mag-asawang Madam Pituya at Ferdie Tago na tinaguriang hari at reyna ng “paihi” sa karagatan ng Navotas sa Pier-5 ay marami tayong text na natanggap. Nilinaw ng nasabing “tawiwit” na kapiranggot lang umano ang “timbre” na natatanggap ng CIDG mula sa mag-asawa dahil mismong si Major Cumbo ang kumausap sa kanyang mga kabaro.
Idinagdag ng ating tawiwit na si Maj. Cumbo na Intelligence Officer ng Maritime Group, Navotas Stn. ay front lamang nito ang mag-asawang Pituya. Katunayan aniya, nang aksidenteng sumabog ang nabanggit na paihi noong nakaraang taon ay bigla na lang nawala ang isyu kahit pa may namatay rito.
Ang dahilan, si Major. Cumbo ang nag-damage control! Pagdiriin pa ng tawiwit.
Gusto ko lang linawin sa iyo, Maj. Cumbo, na kaya ko inilathala ang impormasyong ito mula sa taumbayan ay dahil mukhang may alam sa operasyon mo, este, ng paihi itong ating impormante. In-short, kung hindi ka man ganito karumi, ang natitiyak ko ay hindi ka naman malinis!
Kaya nga dapat kang imbestigahan, Major Cumbo, para matiyak na hindi nga ikaw ang utak ng paihi riyan sa Pier-5!
-o0o-
BAGO pa nahuli ang lider ng Ozamiz group na si Ricky Cadavero at si Wilfredo Panogalinga, nasa kainitan noong nakaraang linggo ang Philippine Drug Enforcement Agency dahil sa mga isiniwalat ni PDEA agent Jonathan Morales laban sa Director General nito na si Gen. Arturo Cacdac.
Ayon kay Morales, kung hindi takot, posibleng nakikinabang ang ilang matataas na opisyal ng PDEA mula sa bigtime druglords, dahilan kaya hindi sila niraratsada. Bagkus ay pinagtitiyagaang lambatin ng PDEA ang mga buraot o mga papiso-piso.
Matindi ang alegasyon na ito ni Agent Morales, kaya nga ilang kongresman at senador ang nagpahayag na paiimbestigahan ito. Kaya lang, sa biglang pagkahuli kina Cadavero at Panogalinga at sa kaagad na pagpatay sa kanila ng mga pulis Calabarzon, biglang lumiyab ang isyu ng Ozamiz group.
Dahil maraming alam kaya sinadya silang patayin! ‘Yan ang paniniwala ni DOJ Sec. Leila de Lima, Commission on Human Rights at maging ng Palasyo! Dahil sa Ozamiz isyu, namatay rin ng kusa ang alegasyon sa PDEA.
Kaya naman, ayon sa ating tawiwit, ay tuwang-tuwa sa galak ang mga taga-PDEA na sangkot sa isiniwalat ni Agent Morales! Oppps, sandali lang, parekoy, hindi ba’t ang mga pinatakas noon nina Cadavero ay mga Tsinong druglord?
Imbestigahan na rin ang PDEA!
The post MARITIME SWAK SA PAIHI AT MALIGAYA ANG PDEA appeared first on Remate.