SONA mo ito! ‘Yan, parekoy, ang mga pandiin na salita ni Pangulong Noynoy sa pagtatapos ng kanyang State of the Nation Address.
Ibig sabihin ni PNoy, SONA ng bawat Filipino o SONA ng sambayanan ang kanyang inilahad noong Lunes.
I beg to disagree!
Dahil kung ako ang maglalahad ng SONA, tiyak na hindi ko susundan ang uri ng paglilitanya ni PNoy.
Saan ka makakakita na pati ang ginawa ng isang sundalong Pinoy noong giyera kung saan pinabagsak nito ang tatlong eroplanong Hapon ay inilitanya pa ni PNoy!
Maryosep namang kamangmangan ng mga spit-writer este speech writer ng Palasyo, ang SONA ay State of the Nation Address.
Ibig sabihin, ang dapat ilahad ay ang kalagayan ng ating bansa at/o ang kanyang mga gagawin pa para sa ating bansa!
Hindi ‘yung history! Hmmmp!
Heto pa, parekoy, kung noong nakaraang tatlong SONA ay nilampaso ni PNoy ang nagdaang administrasyon ni GMA, dito sa kanyang pang-apat na SONA ay idinamay rin nito pati ang panahon ni Marcos!
Hak, hak, hak! Mahilig din lang mamuhay si PNoy sa anino ng nakaraan, bakit hindi na lang niya binanggit ang mga kapalpakan ng lahat ng naging Pangulo ng bansa, hanggang kina FVR at Erap.
Lalo na ang mga kapalpakan sa panahon ng kanyang inang si Cory Aquino!
Para naman, bonggang bongga! Hek, hek, hek!
Ahhh ewan . . . Basta, hindi ko SONA ‘yun!
-o0o-
Noong nakaraang linggo, sa isang TV interview sa pamilyang Binay ay naglabas si Nognog ng hinaing kung bakit daw sila binabatikos gayong napakalayo pa naman ng eleksyon.
Kasi naman, unang araw pa lang bilang VP, nagpahayag na agad na tatakbong Pangulo sa 2016.
Kumbaga, ang layo pa ng eleksyon, masyado nang atat!
Tapos magtataka ka kung bakit malayo pa ang 2016 ay binabato ka na! Hmmp!
Habang nakaupo, parekoy, ang mag-aamang Binay na sina Vice President Jojo, Sen. Nancy, Rep. Abigail at Mayor Junjun, sinagot nila ang iba’t ibang isyu gaya ng political dynasty.
Buti na lang hindi nila kasama sa upuan ang ina ng tahanan na si dating Mayor Elenita Binay.
Kumpleto sana . . . parang centrum, from A to Zinc! Hak, hak, hak!
Ang hindi ko makalimutan, parekoy, ang pampalubag-loob ni VP Binay na ang kagaya raw niya ay isang puno ng mangga.
Na binabato dahil hitik sa bunga!
Nakalimutan mo yata Vice na binabato rin ang asong ulol!
Bwar, har, har!
The post HINDI KO SONA ‘YUN AT BINABATO ANG ASONG ULOL appeared first on Remate.

