Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BIAZON KATANGI-TANGING LIDER

$
0
0

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEBMATAPOS pasaringan ni Pangulong Noynoy Aquino ang tatlong ahensiya ng gobyerno na kinabibilangan ng National Irrigation Administration (NIA), Bureau of Immigration (BI) at Bureau of Customs (BoC) sa kanyang State of the Nation Address noong Lunes dahil sa talamak na korapsyon ay kaagad ipinakita ni Commisioner Ruffy Biazon ang kanyang delicadeza dahil ilang oras pa lang ang nakalilipas ay kaagad itong nagsumite ng resignation sa pinakamataas na lider ng bansa.

Ito marahil ang nawawalang katangian ng isang lider ng bansa sa kasalukuyang panahon dahil importante pa rin sa ating mga mamamayan ang delicadeza na kung saan dito nakikita at nasasalamin kung kapit-tuko o may ginagawang kalokohan ang isang tao sa kanyang pwesto.

Dito na rin natin napatunayan na mayroon pa palang ilang tao sa bansa na mas importante ang kanyang pangalan kaysa sa pera at kapangyarihan at diyan tayo lalong humanga sa batang Biazon.

Maging sa agarang sagot ni PNoy sa resignation ng BoC boss ay lalo tayong nagulat dahil malinaw sa binitawan nitong pahayag na hindi si Biazon ang salot sa Aduana kundi ang kanyang mga tauhan na ilang taon na rin namang nagpapasasa sa pwesto.

Malinaw sa pahayag ni PNoy sa kanyang SONA noong Lunes na ang salot na burukrasya ang nagbibigay ng sakit ng ulo sa gobyerno upang maituwid ang landas patungo sa tunay na reporma.

Ito marahil ang kahulugan ng kanyang hiling sa Kongreso na kaagad rebisahin ang Civil Service Code ng bansa dahil ito ang nagiging kanlungan at sandigan ng mga dorobo sa pamahalaan.

Isang konkretong halimbawa nito ang nangyayari ngayon sa BoC dahil gaano man katino at katuwid ang lider nitong si Biazon ay hindi niya maisasakatuparan ang kanyang mga reporma sa Aduana dahil hindi niya magalaw o agad masibak ang mga dorobong ito dahil sa proteksyon ng Civil Service Law.

Panahon na nga para kastiguhin ang mga tao sa likod ng korapsyon ng BoC at dito makikita nating desidido at sinsero ang Pangulo katuwang si Biazon sa usaping ito dahil ilang araw mula ngayon ay may mangyayaring balasahan sa Aduana na tiyak namang magpapayanig sa mga dorobo rito.

Sa maikling salita, napuno na  ang salop ni PNoy sa naturang ahensya kaya’t mag-antabay lang tayo dahil malapit na ring mabago ang Aduana na matagal na rin namang panahong pinagpasasaan ng mga ganid at buwaya sa pamahalaan.

The post BIAZON KATANGI-TANGING LIDER appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES