SINALUBONG ni Secretary-General Te Loyola at Director Ko Beng San ng Davao Filipino-Chinese Association Inc. ang grupo na pinangungunahan ni Dr. James Dy at ng mga opisyal ng Filipino-Chinese Ge-neral Chamber of Commerce Inc. (FCGCCI) sa Davao Inter-national airport.
Ang pangkat ni Dr. James Dy, nag-courtesy call kay Compostela Valley Governor Arturo Uy, bago sila nagtuloy sa nakatakdang lugar na kanilang binisita.
Sinamahan naman sila ni Mayor Lorenzo Balbin Jr. ng Compostela Valley ang tinatawag na “Ground Zero”, ito ang lugar na direkta at ma-ubhang sinalanta ni Typhoon Pablo.
Sina Dr. James Dy at ang kanyang nurse secretary na si Ms. Angeli Ganias kasama rin si Dr. Jaime Cruz ng JTC Company na sumakay ng chopper, kortesiya ni Davao Mayor Rodrigo Duterte patungo sa naturang lugar upang ipagpatuloy ang pamamahagi ng relief goods.
Ayon kay Dr. Dy, magkakaroon muli ng relief operation sa Davao City ang kanyang pangkat upang patuloy na ibangon ang mga nasalantang mamamayan at makapagpatuloy ng kanilang maayos na buhay.
Nilinaw rin ni Dr. Dy, na mamamalagi sa kanilang puso ang magagandang simulain na kapag sila ay nagbibigay ng tulong, maging ito ay sa paraang pera o relief goods, ito ay direkta nilang ibibigay sa mga taong nangangailangan.
Mariin pa rin niyang sinabi na hindi na niya pararaanin sa kahit anong institusyon ang tulong mula sa kanila upang matiyak na makararating sa mga taong nangangailangan ang tulong at hindi sa mga taong may masamang adhikain at mapagsamantala.
Dr. James Dy, ang kasalukuyang president ng Philippine Chinese Charitable Association Inc. na siyang nagmamay-ari at nagpapatakbo ng Chinese General Hospital and Medical Center.
The post IBABANGON AT ISASAAYOS ANG BUHAY NG NASALANTANG MAMAMAYAN appeared first on Remate.