Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CALOOCAN’S ‘MR. CLEAN’ IS BACK

$
0
0

bong_padua1NAKATUTUWA ang balitang ang isa sa hinahangaan nating dating opisyal ng pulisya ng Caloocan ay muling babalik sa buhay serbisyo-publiko.

Kung totoo na kinuha ni Mayor Oca Malapitan ang serbisyo ni retired police Inspector Benny Go, aba’y makabubuti sa lungsod.

Dahil ang mamang ito ay hindi pasaway, bagkus magiging ‘asset’ sa pagpapatupad ng mga alituntunin para sa minimithing pagbabago ng Caloocan na nais isakatuparan ni Mayor Oca.

Pwede  kong  ipagmalaki  kahit kanino na ako’y saksi sa maayos na paglilingkod ni Insp. Go nang siya’y alagad pa lamang ng batas .

No nonsense cop ang bansag ko nga sa mamang ito sa maraming artikulong aking naisulat na may kinalaman sa kanyang trabaho bilang pulis.

Kay Insp. Go walang puwang ang law breakers. Sa mga lumalabag sa umiiral na batas, sa kanya’y rehas at  kaukulang kaso ang katapat.

Sa iginugol na halos tatlong dekada sa kapulisan, naitalaga si Insp. Go sa iba’t ibang assignment bilang isang operative,  imbestigador at intelligence officer.

Hindi rin bago sa kanya ang problema sa mga vendor at trabahong trapiko dahil minsan ay naging traffic deputized officer din ito.

Sa panahon na siya’y traffic deputized officer, nilinis nito ang Monumento sa nagkalat na sidewalk vendors at illegal bus and jeepney terminals.

Sa pagtugon niya ng kanyang trabaho, marami ang na-galit na vendor at driver, subalit nanaig sa kanya ang makatotohanang paglilingkod.

Kaya nga kung tawagin siya noon ay ‘Mr. Clean’ dahil tumatanggi sa suhol ng mga nahuhuling law breaker, traffic violator man ito o holdaper, atbp.

Ito ang naging daan kaya naging maayos noon ang daloy ng trapiko sa lugar.

Naniniwala tayo na si Insp. Go ay malaki ang maitutulong sa pagnanais ni Mayor Oca  na mabura ang matagal nang problema ng trapiko sa Monumento.

Sa ulat na natanggap natin, si Insp. Go ay isa sa mga opisyal na magpapatakbo sa Department of Public Safety Traffic Management.

Sa pakikipag-tandem ni Insp. Go kay Larry Castro, kilalang disciplinarian na hepe ng DPSTM, tiyak na titino ang Monumento sa mga barumbado.

The post CALOOCAN’S ‘MR. CLEAN’ IS BACK appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>