Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CRYING COP AT HONEST COPS PARARANGALAN SA MARIKINA

$
0
0

abiso_newMGA pulis-Marikina ang laman ng media nitong mga nakaraang araw dahil sa pinamalas nilang mabuting asal na, para sa karamihan, ay ‘di na pangkaraniwan sa ating kapulisan. Kaya, tamang-tama ang balak nina Cong. Miro Quimbo, Mayor Del de Guzman at Vice Mayor Fabian Cadiz na parangalan ang mga pulis na ito na nagbigay ng karangalan sa Marikina.

Si Crying Cop, PO1 Joselito Sevilla ay nakitaan ng netizens sa social media ng humanity at compassion sa nangyaring dispersal operations noong SONA. Actually, hindi lang si Sevilla kundi pati ‘yung dalawang tao sa hanay ng mga aktibista ay nakitaan din ng compassion sa ginawa nilang pagpapakalma sa pulis-Marikina na may malambot na puso.

Sabi nga ni Inday Espina Varona na award winning ang istorya at litrato ni Rem Zamora ng ABS-CBN News. Para naman sa batikang photographer ng Phil. Star na si Walter Bollozos, ang talagang gustong sabihin ni Sevilla ay “Huwag kayong magalit sa amin dahil ginagawa lang namin ang trabaho namin. Sa katunayan, hindi pa nga kami kumakain at kulang kami sa tulog.” Ang pagkaintindi raw kasi ng iba ay umaangal si Sevilla.

Sa honest cops naman, ikinatuwa nina Quimbo, De Guzman at Cadiz ang katapatang ipinakita nina SPO4 Noel Rufon, SPO1 Francis Gonzales, at PO2 Joel Soriano matapos magbalik ang mga ito ng isang pitaka na naglalaman ng P50,500.

Dakong alas-11:15 ng umaga noong Hulyo 17 nang nagpapatrulya ang mga nabanggit na pulis sa kahabaan ng JP Rizal St., Brgy. Kalumpang, Marikina City nang makita ng mga ito ang isang pitakang kulay brown na naglalaman ng nasabing halaga.

Agad na ipinagtanong-tanong ng grupo kung sino ang may-ari ng pitaka at tinawagan nila ang numerong nakasulat sa papel na nasa loob ng pitaka at kanilang nakausap si Mark Joseph Ordonez y Balcueva na nagsabing si Lawrence Fajardo y Gagawanan ang may-ari nito.

Ayon kay Fajardo, ng E. Rodriguez St., Manggahan, Pasig City, ang salapi ay gagamitin sanang pambili ng mga paninda para sa kanilang tindahan ngunit nang makarating siya sa Marikina Public Market upang mamili ay natuklasan niyang nawawala ang kanyang pitaka.

Naibalik ang salapi kay Fajardo noong Hulyo 18.

Sinabi ni Mayor De Guzman na pamarisan sana ng lahat ang ipinakitang katapatan sa tungkulin ng tatlong pulis at magsisilbi ring modelo para sa lahat. Nawa’y dumami pa ang lahi nitong mga Honest Cop at Crying Cop!

The post CRYING COP AT HONEST COPS PARARANGALAN SA MARIKINA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES