Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ISA PANG KATIWALIAN: P10B SA ROAD BOARD

$
0
0

bobby-ricohermosoDAHIL sa tindi ng ingay na idinulot ng P10 bilyon pork barrel scam na kinasasangkutan ng ilang mambabatas at ng negosyanteng si Janet Lim Napoles, hindi na halos napapansin ng publiko ang ilan pang may bahid ng anomalyang kaganapan sa pamahalaan.

Tulad na lang halimbawa sa nangyayari sa Road Board, na base sa ulat ng Commission on Audit ay lumilihis din sa tamang daan.

Umaabot sa P10 bilyon ang perang pumapasok sa Road Board kada taon na nagmula sa perang kinolekta ng Land Transportation Office mula sa mga vehicle owner na nagrerehistro ng mga sasakyan nila.

Itinatag ang Road Board noong taong 2000 para siguruhin ang maayos na paggamit sa pondong nakolekta ng LTO, na naglalayong tiyaking maayos at ligtas ang mga kalsada sa buong bansa at mapanatiling mababa ang air pollution index sa ating mga kapaligiran.

Pero sinabi ng COA na hindi naman nagagawa ng Road Board ang tungkulin nito dahil noong 2011 ay 1.7 porsiyento lang ng koleksyon nito ang napunta sa paglaban sa polusyon sa halip na 7.5 porsiyento na itinatakda ng batas.

Maliban sa paglaban sa polusyon, hindi rin nagamit nang maayos ng Road Board ang pondo para sa maintenance ng mga kalsada sa buong bansa.

Lumalabas na sa halip na gawin nito ang trabaho, mas pinili ng Road Board na gastusin ang pera sa walang kakuwenta-kuwentang mga proyekto at pagbili ng hindi kailangang mga kagamitan.

Sinabi ng COA na dahil sa kawalan ng maayos na panuntunan ay gumastos ang Road Board ng aabot sa P7.99 bilyon noong nakaraang taon sa mga non-priority project habang pinabayaan naman ang mga sira-sira nang mga lokal at pambansang kalsada.

Natuklasan pa na ang P62.52 milyon na itinakda para sa mga pamproyektong gawain ay napunta lamang sa pagtakip sa hindi maipaliwanag na nawawalang MOOE (maintenance and other operating expenses).

Kung totoo ang ulat ng COA ay mukhang maraming dapat ipaliwanag ang Road Board na pinamumunuan ni Public Works Secretary Rogelio Singson na siyang ex-officio head nito.

Bagama’t hindi natin pinagdududahan ang integridad ni Singson, mainam na magsagawa siya ng malalimang imbestigasyon dahil mukhang napapalusutan siya ng mga bata niya riyan sa Road Board.

Sa dami kasi ng pondong maaari nilang gamitin, hindi malayong matukso ang ilang korap diyan sa Road Board at galawin ang perang hindi naman para sa kanila.

The post ISA PANG KATIWALIAN: P10B SA ROAD BOARD appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>