Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

OCEAN ‘MIS-ADVENTURE’ SA SUBIC

$
0
0

ito-ang-totoo-coloredHINDI raw apektado ang operasyon ng Ocean Adventure Marine Theme Park sa gulo at away nina Timothy Desmond at negosyanteng si Virgini Dio, ayon sa pahayag ni Elena Balino ng naturang tourist attraction sa Subic Bay Freeport.

Ito Ang Totoo: kailan lang ay ipinag-utos ng Korte Suprema ang pagsasampa ng kaso kay Desmond, CEO ng Ocean Adventure, batay sa reklamo ng dating business partner na si Dio na umano’y ginantso niya ng may $2M.

Ang nakapagtataka rito, pilit hinihila ni Desmond ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Chair-man/Administrator nitong si Roberto V. Garcia sa isyu.

Hina-harass umano ni Garcia si Desmond at Ocean Adventure kaya may isinampa umano siyang kaso sa Ombudsman bagama’t wala pa namang natatanggap na abiso si Garcia kaugnay nito.

Ito Ang Totoo:  mula sa dalawang ektarya, umabot na sa 100 ektarya ng lupain sa Freeport, kasama na ang mga beach, pier at “bunkers” ng dating US Naval Magazine na  imbakan ng bala at mga explosive ang saklaw ng Ocean Adventure.

Gayunman, hindi tumupad ang Ocean Adventure sa pag-survey para malaman ang “leasable area” mula pa noong 2007 kaya nangangapa ang SBMA sa mga pinaggagagawa ng kompanya ni Desmond.

Hindi rin ibinibigay ng Ocean Adventure ang  20% share ng SBMA sa mga pa-”sub-lease” nito na itinakda ng kanilang kontrata.

Meron ding binuksang “restaurant” na pinangalanang “Bunker Bob’s” ang Ocean Adventure nang walang permit, hindi nakarehistro at hindi dumaan sa mga opisina ng SBMA para sa kaukulang proseso.

Ang mas matindi, ‘di rin kabilang sa opersyon ng Ocean Adventure, batay sa kontrata, na mag-”train” ng mga “dolphin” at i-”export” ang mga ito sa ibang bansa.

Ito Ang Totoo: kung gaano kalaki ang inilaki ng Ocean Adventure, mukhang lumaki na rin ang ulo ng mga tagapamuno nito kaya ultimo ang SBMA ay bina-bangga na parang kayan-kayanin lang.

Napapanahon na para harapin ang sitwasyon para malaman kung sino ang nasa tama at sino ang mali rito.

Ito Ang Totoo!

The post OCEAN ‘MIS-ADVENTURE’ SA SUBIC appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES