KASALUKUYANG tinatrabaho ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng kanyang Public- Private Partnership unit (DA-PPP) ang tatlong pangunahing proyekto at naglalayon na suportahan ang iba’t ibang stakeholders sa magkakaibang sektor na pang-agrikultura at fisheries ng bansa.
Ayon kay DA Project Development Service Director Zenaida M. Villegas, para sa konsiderasyon ang proyekto at sa ilalim ng PPP scheme na kinabibilangan ng konstruksyon nang isang Multi-Purpose Reservoir Dam, upang magamit sa pagpapaunlad pa ng mga nananatiling post harvest processing trading centers, gayundin ang pag-eestabilisa ng isang cold chain system.
Si Director Villegas ang namumuno ng DA-PPP Coordinating Staff ay nagsabi na ang Multi-Billion Jalaur River Multi-Purpose Project Stage II (JRMP-II) na ipatutupad ng National Irrigation Administration (NIA) ay malapit nang pasinayaan upang makapagbigay ng isang buong taong operasyon ng irigasyon sa agrikultural na lugar sa probinsya ng Iloilo.
Ang pondo ng proyekto na nagkakahalaga ng P11.212 bilyon ay kukuhanin mula sa Economic Development Corporation Fund (EDCF), sa pamamagitan ng Export-Import Bank of Korea (Korea Eximbank).
Kung ating magugunita, ang pagpapaunlad ng daan tungo sa lugar na kinaroroonan ng mga ipinatatayong irigasyon upang marating kaagad ng mga kinauukulan, ay isang panukala at proyekto ng dating NIA Administrator Antonio S. Nangel.
Bigyan din natin ng pag-aanalisa, ang isa sa pinakamalaking proyekto ni Administrator Nangel sa NIA, ito ay ang JRMP II na takda niyang ipatapos, bago bumaba sa kanyang pwesto si Pangulong Benigno S. Aquino III sa darating na taong 2016.
Marapat at dapat bigyan ng kredito si dating Administrator Nangel dahil sa iba’t ibang makabuluhang proyekto na kanyang nabalangkas at naipatupad na pangkaunlaran, na magsisilbi niyang pamana sa mga magsasaka at sa mga taga-NIA.
The post MULTI-BILLION JRMP-II PROJECT IPATUTUPAD NG NIA appeared first on Remate.
