Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DAYUHANG NEGOSYANTE INAAPI NG BI

$
0
0

pakurotKAILANGAN ng administrasyong Aquino ang tulong ng mga dayuhang mamumuhunan upang mabigyan ng trabaho ang ating milyon-milyong kababayan na walang pinagkakakitaan upang ipantawid-gutom ng kanilang pamilya.

Kaya nga dapat mabatid ni Pangulong Aquino ang katiwaliang naganap noong panahon ng panunungkulan ni dating Bureau of Immigration Commissioner Ricardo David Jr. at maitama ang pansamantalang nakaupo na si Officer-in-Charge Siegfried Mison.

Umiiyak na dumulog sa mga mamamahayag ang mga asawa ng mga dayuhang negosyante na inaresto ng mga tauhan ng immigration at ngayo’y pawang nakapiit pa sa BI detention cell sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig City.

May ilang dayuhang negosyante na inabot na ng  buwan sa selda gayong walang linaw ang mga kasong isinampa laban sa kanila.

Hiling lang naman ng mga asawa/nobya ng mga dayuhang tulad nina Nikolaos Spanoudis, Greek; Lance David Lomako, American at Eric Roijen, Greek,  na sana’y tulungan sila ng bagong OIC ng BI na mabigyan ng pagkakataon ang kanilang asawa na makapagpiyansa para maasikaso naman ang kanilang mga negosyo sa bansa tulad ng call center kung saan umaabot sa may 400 ang kanilang mga empleyado.

Kapag nabalita sa buong mundo ang kawalan ng konsiderasyon ng gobyerno sa mga dayuhang mamumuhunan, tiyak na mawawalan ng gana ang mga ito na maglagay ng negosyo sa bansa na hindi lang nila kawalan kundi higit ng ating pamahalaan at mga kababayan na unang nabibiyayaan ng pagkakataong kumita.

Aba’y kailangang magising na ang BI officials na kalupitan ang kanilang ginagawa sa mga dayuhan na malaki ang pakinabang ng ating mga kababayan.

Kapag nawala ang mga ito, tiyak na aaray ang gobyerno sapagkat malaking porsiyento ang maidaragdag sa mga nawalan ng trabaho.

Kaya nga dapat na ngayon pa lang, bigyang pansin na ang nangyayaring panghuhuli at pagpiit sa mga dayuhan na ang tanging kasalanan ay nagmahal sa mga kababayan nating Pinay at nagbigay kabuhayan sa ating mga kababayan.

oOo

Umabot na ang Philippine Drug Enforcement Agency sa kanilang ika-11 taon at ipinagdiwang ito kahapon kung saan pinasinayaan ang may 12 bagong sasakyan na pinangunahan ng director general nitong si Undersecretary Arturo Cacdac.

Nadagdagan at pinasinayaan din ang ilang makabagong kagamitan sa operasyon ng kanilang tanggapan kontra droga.

Sana nga ay malabanan na nang tuluyan at mapuksa ang droga sa bansa sapagkat ito ang salot na sumisira sa buhay at kinabukasan ng maraming mamamayan lalo na ng mga kabataan.

oOo

Belated HappyBirthday to Insp. Marlon Meman, of  Quezon City Police District director’s office,  who celebrated last July 27, 2013. Sir, wala bang ekstrang kainan at kantahan? Ha ha ha!

The post DAYUHANG NEGOSYANTE INAAPI NG BI appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>