Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LOTTENG NG MINDORO MAYOR AT ‘WOW’ MALI NI SEN. LAPID

$
0
0

burdado- jun brionesILANG opisyal ng iba’t ibang barangay sa Calapan, Oriental Mindoro ang umalma at nagkakaisang idinulog sa tanggapan ng DILG ang lantarang iligal na sugal na lotteng sa kanilang lugar.

Sa impormasyong ipinaabot sa atin, lumalabas na hindi lamang inutil ang kapulisan at lokal na pamahalaan sa pagsugpo sa nasabing iligal na gawain, bagkus, kasabwat pa umano ang mga ito dahil mismong malalapit na tauhan ng mga opisyal ang personal na nagpapatakbo ng lotteng.

Pinangalanan ng mga nagrereklamong local official na isang pulis na si P03 Avelino Amio Canilang ang namamayagpag sa Calapan City.

Gayunman, madalas umanong ikatwiran nito sa kanila na ang anomang reklamo laban sa kanya ay ipaabot na lang sa kanyang mga amo na sina Mayor Panaligan Arnan at kay PNP-Mimaropa Regional Director           C/Supt. Melito Mabilin dahil siya (Canilang) ay front o tauhan lang.

Ang nabanggit na lotteng operation sa buong lungsod ng Calapan ay pinaniniwalaang may mahigit isang milyong koleksyon araw-araw.

Ayon sa mga nagrereklamo, lubos umano silang naniniwala sa mga sinasabi ni Canilang hinggil sa kanyang mga tunay na amo dahil maraming beses na nilang inireklamo ito sa tanggapan ng alkalde at ng mismong Regional PNP Command ngunit mistulang bingi ang mga ito.

Dahil dito, mismong sa tanggapan na ni DILG Sec. Mar    Roxas ipinarating ng mga taga-Calapan City ang kanilang sumbong na sana ay mabigyan ito ng agarang hakbang.

Ano ang masasabi ninyo rito, Mayor Panaligan Arnan at Gen. Mabilin?

S’ya nga pala, SILG Roxas, bilang kandidato noon ng UNA, inilugmok ni Mayor Arnan ang manok ng Liberal Party.

P’wede nang bumwelta? Pwede! Hak, hak, hak!

-o0o-

MAKAILANG ulit na itinanggi ni Sen. Lito Lapid ang anomang personal na ugnayan niya at ni Victoria Sevilla Tolentino.

Si Tolentino, parekoy, ang may-ari ng Innsbruck International Trading na siyang nagsuplay noon ng mga deodorizer sa ilang bayan sa lalawigan ng Rizal na umabot sa P20M mula sa PDAF ni Lapid.

Ayon sa senador, ni hindi nga niya kilala si Tolentino.

Maniniwala na sana tayo kay Sen. Lapid dahil mukhang wala naman talaga itong alam.

Ang siste, kahapon mismo ay nalantad sa networking site na Facebook ang masasayang larawan nina Lapid at Tolentino!

Mukhang sa paggawa ka lang ng batas walang alam, ha!

Kung ‘di ka sinungaling mahal na senador, ano ‘yang mga ngiti n’yo ni Tolentino?

Langya, parekoy, ang hirap talagang magtiwala sa artistang politiko! Pwe!

The post LOTTENG NG MINDORO MAYOR AT ‘WOW’ MALI NI SEN. LAPID appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>