Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SASAKYANG IBINIGAY SA PDEA GAMITIN NANG MAAYOS

$
0
0

lily's-files-lily-reyesNOONG nakalipas na Martes, Hulyo 30, ipinagdiwang ng Philippine Drug Enforcement Agency ang kanilang  ika-11 anibersaryo at binigyan sila ng 12 bagong sasakyan at iba’t ibang protective equipment.

Tinanggap ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang 12 Isuzu Crosswind  XT kung saan 11 dito ay galing sa General  Appropriations Act administered by the Procurement  Service of the Department of Budget and Management (DBM) samantalang ibinigay naman ang isa ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Binigyan din ang PDEA  ng mga  protective  equipment tulad ng  217 modular tactical bullet-proof vest, 89 units ng sando-type bullet proof vest at 153 units ng Kevlar tactical helmets.

May iba’t ibang bala rin ang  ibinigay sa PDEA tulad ng 30,000 rounds ng kalibre 5.56mm, 10,000 rounds ng kalibre 45, 9,300 rounds ng caliber 9mm at 2,500 rounds ng 12-gauge shotgun.

Ipamamahagi ang lahat ng ito sa lahat ng regional office para sa kanilang kampanya laban sa droga.

Sana ay maging pantay pantay ang pamamahagi ng mga ito sa regional offices para hindi pagmulan ito ng selosan at awayan ng mga opisyal.

Gamitin din sana ang mga sasakyan ng maayos at huwag itong ipagkatiwala sa mga barumbadong driver dahil ‘di birong halaga ng  pera ni Juan dela Cruz ang ipinambili rito.

QCPD, NAGPAKITANG GILAS NA NAMAN

NAKATUTUWA naman ang mga ipinakitang gilas ng mga tauhan nitong si Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Supt. Richard Albano, dahil sa sunod-sunod na magagandang trabaho nitong mga  nagdaang araw.

Una ay ang pagkakaaresto sa lider ng “Buhat Motorcycle Gang” na si Wilster Chan at ang kasabwat nitong buyer na si  Al Jacen  Mercado sa Quezon City noong Hulyo 17 ng mga operatiba ng Anti-Carnapping Section ng QCPD.

Sumunod dito ang pagkakaaresto sa limang miyembro ng “Gaga Robbery Goup”  matapos ang magkasunod  at magkahiwalay na operation na ikinasa  ng Criminal Investigation & Detection Unit (CIDU)  ng QCPD.

At ang pinakabago at pinakahuli ay ang pagkakarekober sa kinarnap na kulay pulang Toyota Vios na may plakang ZSX 854 na sasakyan ng PTV-4 reporter na si Emil Carreon.

Ang sasakyan ni Carreon na   ipinarada sa tapat ng isang  SPA  sa Cristobal St., Brgy. Kaunlaran nang ito’y tangayin umano ng isang  therapist na kinilalang si Niño Liew Villanueva, 24, na tinutugis ngayon ng  QCPD.

Mukhang inaabot talaga ng suwerte itong si Gen. Albano. Mantakin  mo nga namang nasungkit na nga ang inaasam na Estrella ay sunod-sunod pa ang magagandang trabaho ng kanyang mga tao.

Good luck po Gen. Albano, sana ay marami pang magagandang trabaho ang malutas ng inyong mga  operatiba.

Bukas po ang Lily’s Files para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa  09165571946  at  09087230036  o kaya ay mag-email lamang sa …lpr_2012@yahoo.com …

The post SASAKYANG IBINIGAY SA PDEA GAMITIN NANG MAAYOS appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


5 Tagalog Relationship Rules


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES