DATI-RATI ay galit na galit si PNoy sa C5 extension project ni Manuel Villar. Tinawag ito noon ni PNoy na baluktot na daan na nagpapahiwatig na ang C5 project ni Villar ay puno ng kabuktutan.
“Tayo na sa tuwid na daan,” himok ni PNoy sabay wika ng walang kakurap-kurap, “kung walang corrupt, walang mahirap.”
Pero kumurap si PNoy. Itinayo niya ang Team PNoy at nakipagkasundo siya sa Nacionalista party na ang pangulo ay si Villar at ang kandidatong asawa niya na si Senadora Cynthia.
Tuluyan na ring kinalimutan ni PNoy ang C5 extension.
May katotohanan ba ang bintang ni PNoy kay Manny Villar? Hindi na natin malalaman iyan.
Two years ago, galit na galit uli si PNoy sa kanyang State of the Nation Address (Sona) nang malaman niyang ang Manila Waterworks and Sewarage System (MWSS) na ang mga opisyal at empleyado ay sumusuweldo at tumatanggap ng mga bonus na milyon-milyong piso kada buwan.
Nasibak ang mga MWSS official at pinalitan ni PNoy ng mga sarili niyang mga tauhan. Ang resulta: Tuloy ang ligaya sa MWSS at ng Manila Waterworks at Maynilad.
Sa latest Sona ni PNoy, halos minura na niya ang Bureau of Customs (BOC) dahil sa kakapalan ng mukha ng mga mandarambong sa Customs.
“Kilala na namin kayo,” babala ni PNoy.
Sa halip na ibulgar ang kanilang mga pangalan, pinabayaan na lamang niyang sina Customs Commissioner Ruffy Biazon at Deputy Commissioner Danny Lim ang mag-expose ng kanilang mga identity.
Walang ma-name names si Biazon at si Lim. Sa halip, inutusan nila ang mga opisyal na mag-resign o ma-re-assign sa ibang puwesto.
Sa kaso naman ng P10-billon pork barrel scam, bakit kaya hindi ito binanggit ni PNoy sa kanyang Sona?
Wala ba talagang corruption sa kanilang hanay?
The post TALAGA BANG HINDI CORRUPT ANG PNOY ADMIN? appeared first on Remate.
