Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

COA AUDIT SA PORK BARREL ILABAS

$
0
0

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEBDAPAT nang ihayag ng Commission on Audit (COA) ang lahat ng resulta ng kanilang ginawang audit sa mga mambabatas ng bansa maging ito man ay senador o kongresista.

Masyado kasing unfair ang lumalabas ngayong balita na iilang senador lamang ang naaakusahang lumustay sa pera ng bayan gayong sangkatutak namang mambabatas na dapat sanang protektor ng salapi ng mamamayan ang nagwaldas nito.

Para sa kaalaman ng lahat, ang mga local government unit sa bansa ay mayroong audit report ang COA na makikita n’yo sa kanilang website samantalang ang mga mambabatas ay wala gayong parehas namang salapi ni Juan dela Cruz ang kanilang ginagastos sa kanilang mga proyekto at pampapogi.

Sa huling pahayag ng isang partylist solon ay umabot daw sa kulang kalahati ng kanyang mga kasamahan sa Mababang Kapulungan ang gumamit lamang ng 15 NGO’s para sa disbursement ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAP) na lubhang nakababahala at nakapagtataka gayong iba’t ibang lugar ang pi-nanggalingan ng mga ito at tiyak na iba-iba rin ang pangangailangan ng kanilang distrito. May mga nambubuska tuloy na 15 lang ba ang NGO kaya’t ito lang ang pi-nagdaanan ng pera ng bayan.

Nakagugulat na pangyayari pero nagaganap sa gastusan ng pork barrel kaya’t dahil pera nga ng sambayanan ang pinag-uusapan dito ay marapat nang ibulgar ng COA kung saang NGO inilagay ng ating mga kinatawan sa Kongreso ang kanilang PDAP.

Hindi lang NGOs na pinagdaanan ng PDAF ang dapat ilagay sa report kung hindi maging ang mga hard projects o pagawaing bayan na kanilang pinondohan dahil posibleng may anomalya rin dito.

Pwedeng sa report ng DPWH o ibang ahensya ng gobyerno ay nagawa ang naturang kalsada o paaralan pero posibleng hindi rin ito nagawa at natapos.

‘Yan ang mga bagay na dapat binibigyang pansin ng COA dahil ito lamang ang paraang para walang masabi ang ibang mamamayan lalo’t higit ang ilang politiko na kapanalig ng oposisyon dahil mawawala ang pag-iisip na sila lamang ang target ng administrasyon dahil sa usaping pulitika.

The post COA AUDIT SA PORK BARREL ILABAS appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>