PUMUTOK at nag-ingay ang bill na inihain ni Congressman Edcel “Grex” Lagman, Jr., Representative of the First District of Albay, na nagsusulong na pananagutin din ang mga may asawa, lalaki at babae, na mahuhuling nakikiapid sa kapwa nila lalaki on babae.
Tulad ng kanyang ama na si Congressman Edcel Lagman, Sr., na kilalang big supporter ng kontrobersyal na RH Law, matapang at hindi nangingimi and batang Lagman sa pagsusulong ng mga panukalang batas na kahit alam niya na magiging kontrobersyal ay susuportahan niya lalo kung naniniwala siya na ito ay mahalaga at makatutulong sa nakararaming Filipino.
Ako ang sumulat sa draft ng batas at inilapit ko ito kay Cong. Grex sa paniniwalang panahon na para mapag-usapan, mapag-isipan ang sitwasyon kung saan ang isang may asawang lalaki ay nakikiapid sa kapwa niya lalaki at kung ang isang may asawang babae ay nakikiapid sa kapwa niya babae.
Naniniwaa ako, at buong puso naman akong sinuportahan ni Cong. Grex, na ang isyu ay base sa responsibilidad at pantay na pagtrato ng batas sa mga taong nagiging sanhi ng pagkawasak ng tahanan at pamilya.
Samu’t sari ang reaksyon. Ang sabi ng grupong “Ladlad” mas matatakot na raw lumantad ang mga bakla at tomboy kung maisulong ang panukala ni Cong.
Pero ang pinag-uusapan natin dito ay hindi pagkondena sa mga bakla at tomboy kundi papanagutin din sila gaya ng iba, kung sila ay nakikiapid sa mga may asawa na sadya namang ipinagbabawal ng batas.
May iba ring Congressman na hindi naniniwala na maitutulak ang batas dahil wala naman daw same-sex marriage sa Pilipinas.
Pero maging sila ay naniniwala na dapat silipin ang mga isyu kung saan may paglabag sa batas na sangkot ang mga LGBT – lesbian, gay, bisexual at transsexual.
May mga galit daw na bakla at tomboy kay Cong. Grex pero meron ding malalawak ang isip na nauunawaan kung saan nanggagaling ang bagitong Congressman.
Sa huli, ang isyu ay responsibilidad.
Kung ang mga LGBT ay nanghihingi ng pagkilala ng lipunan, dapat lang na kilalanin nila ang mga batas ng sambayanan.
The post ANG TAPANG NI GREX appeared first on Remate.