Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MINDANAO, TATAHIMIK PA KAYA?

$
0
0

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEBMUKHANG magpapatuloy ang kaguluhan sa Mindanao at tiyak na hindi matatapos ang kabi-kabilang pagpapasabog sa naturang lugar.

Ito ang nakikita nating scenario dahil may mga taong ayaw talaga ng kapayapaan sa lugar dahil
na rin sa kanya-kanyang interes.

Una sa interes na ito siyempre ang pera at pangalawa ang pagiging ganid sa katungkulan.

Ang lundo palagi ng usaping ito ay ang kagustuhang sila lamang ang kilalaning grupo ng gobyerno.

Ilang lider na ba ang sumubok na patinuin ang Mindanao? Ilang peace talks na ba ang pumalya at nabigo? Ilang buhay na ba ang nabuwis dahil sa kaguluhan rito?

Mga tanong na hanggang ngayon ay patuloy pa ring hindi matutuldukan dahil sa kagagawan ng ilang ganid na lider sa Mindanao na ang hangad lamang ay ang poder, kasikatan at pera.

Noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos si Nur Misuari, lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang kinilala ng pamahalaan kaya’t nag-alburoto ang Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ngayon naman sa panahon ni PNoy ay ang MILF ang nabigyan ng atensyon kaya ang MNLF naman ni Misuari ang umaatungal.

Bukod sa MILF at MNLF, nadagdagan pa ito ng kani-kanilang lost command. Mayroong lost command ang MNLF at maging MILF.

Dalawang grupong nagsasanga-sanga na rin dahil sa leadership at sa salapi.

Maliban sa dalawang grupo nariyan din ang Abu Sayyaf na ang pokus naman ay ang kilalanin ng buong mundo sa pamamagitan ng terorismo at pamemera.

Bukod sa mga nabanggit na grupong rebelde, mayroon din itong mga supporter na politiko na ang agenda naman ay siyempre pera at pakinabang.

Mga politikong nagbabalatkayo na public servant pero ang totoo ay mga tulisan.

Sinserong mga lider ang kailangan ng Mindanao sa ngayon at iyan ang tanong kung mayroon pa ba ritong lider na ang hangad ay tunay na kapayapaan.

The post MINDANAO, TATAHIMIK PA KAYA? appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>