Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MALING SISTEMA NG NBI

$
0
0

_bobby ricohermosoKAMAKAILAN ay natuklasan ko na ang dahilan kung bakit napakatagal at sobrang haba ng pila ng mga taong kumukuha ng clearance nila sa mga accredited outlet sa mga mall ng National Bureau of Investigation.

Iniisip ko na dahil may mga NBI satellite office na sa mga mall ay mas convenient at mabilis na rin ang magiging proseso rito. Pero nagkamali ako ng akala dahil base sa mga reklamo ng mga nakausap ko ay super hirap pa rin pala ang kumuha ng clearance hanggang ngayon kahit pa high tech na at marami na ring satellite office ang NBI.

Umiiral pa rin daw kasi ang palpak na sistema dahil na rin sa hindi tamang pamamaraan ng ilang namamahala sa mga NBI office sa mga mall.

Isang halimbawa ng palpak na pamamalakad ang nangyayari sa NBI office riyan sa Robinsons Mall Manila. Dumating ang ating source roon ng 12:30 ng tanghali at ang sumalubong sa kanya ay isang lady guard na nagbigay sa kanya ng kanyang call number sabay sabing bumalik na lang ng ala-una dahil break time pa.

Dahil may number na ay ipinasiya ng source na kumain na rin muna at kumpiyansa siya na matatawag naman ang number niya pagbalik niya.

Pagbalik niya ng bandang 1:10 pm ay lumapit siya sa lady guard para ipakita ang numero niya pero nagulat siya dahil hindi na siya iniintindi
nito.

Sa halip ay inutusan siya na pumila na sa mga inilaang upuan kung saan ay napakarami na ang nauna sa kanya at bagama’t mas malayo pa sa kanya ang numero ng mga ito ay mas nauna pa sila na inaasikaso. Nang itanong niya ang dahilan ay sinagot siya ng lady guard na balewala na ang number niya dahil naunahan na siya sa upuan ng ibang aplikante.

Ngek! Eh bakit nagbigay pa ng numero kung hindi rin lang ito masusunod? Dahil sa inis dahil iniintindi ang paliwanag niya ay hindi na lang pumila ang source at ang iba pang gaya niya na may numero subalit binalewala ay nag walk-out na lang din.

Nangyari ito sa harap mismo ng mga totoo subalit iresponsableng mga empleyado ng NBI na pinabayaan lang ang lady guard na gawin ang gusto niya. Maliwanag na palpak ang sistemang ito kaya naman tinatawagan ko si NBI Director Nonnatus Caesar R. Rojas na imbestigahan ang mga kabulastugan na ginagawa ng mga tauhan niya, lalo na iyong mga nasa satellite office.

The post MALING SISTEMA NG NBI appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>