Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ASEC TORRES ‘SLUT’ QUEEN AT LANGIT UMIIYAK NA

$
0
0

burdado-jun-briones2GINOONG Burdado, habang pinanonood ko sa You Tube na kampanteng-kampante si LTO Chief Asec. Virgie Torres habang nakaupo sa harap ng slUt machine ay naisip ko na baka roon niya inuubos ang pera ng LTO kaya hanggang ngayon ay wala pa ring “sticker” ang aming mga sasakyan!

Susmaryosep namang text message na ito sa akin, bagama’t maaaring totoo ang kanyang hinala, mali naman ang spelling!

Lilinawin muna natin, parekoy, hindi “slut” kundi “slot” ang tawag sa mga makinang ‘yun na ginagamit sa casino.

Kaya kung mukhang reyna man ang dating sa inyo ng porma ni Asec. Torres habang nasa loob ng isang casino, para sa akin ang nararapat na termino ay “slot queen” at hindi “slut queen!” Hmmmp!

At kung bakit ko naman inilathala ang pagkakamali sa spelling nitong sender ay para ipamukha kay Asec. Torres na ang kabobohan ng isang nangangambang mamamayan ay hindi maiiwasan.

Dahil na rin sa sariling kabobohan ni Torres sa pag-unawa sa Memo Circular #8 (2001) kung saan isa siya (Torres) sa pinagbabawalang pumunta o maglaro sa mga casino!

Nais ko lang ipakita, Madam Torres, na ang iyong kabulastugan sa lantarang paglabag sa nasabing kautusan ay nakapagdudulot din ng kalituhan, maging sa spelling, lalo na sa hindi masyado matatalinong mamamayan!

Kaya sana, gamitin mo na lang ang iyong oras sa paglutas sa sandamakmak na problema ng LTO, kaysa magkakalikot ng slot machine!

Pero kung sakali namang naaadik ka na sa sugal na ‘yan, aba eh, mag-resign ka na muna sa trabaho mo!

-o0o-

BAHA here, baha there, and baha everywhere!

‘Yan ang sitwasyon sa Kamaynilaan at kalapit na mga lalawigan simula Linggo ng gabi.

Kaya naman sangkaterbang kababayan natin ang nganga!

Kung dulot man ito ng climate change dahil sa pang-aabuso sa kalikasan o kaya ay bunga ng ka-liwa’t kanang koapsyon sa mga proyekto (o kawalang proyekto) ng pamahalaan, isa lang ang hinuha ko, umiiyak na ang langit!

May nagtanong; Kung ganyan, eh, bakit tayo ang apektado?

Ganito ‘yan, sa kanila na mga demonyo sa gobyerno lalo na sa mga nagpapakasasa sa Priority Development Assistance Fund, sa kanila nagngingitngit ang langit!

At nadadamay lang tayong maliliit . . . dahil hindi tayo umiimik!

Sa totoo lang, hindi natin maaaring ikatwiran na maaari naman tayong manahimik na lang sa bawat pangungulimbat ng mga hinayupak sa pamahalaan tutal hindi naman tayo apektado.

Dapat pa nga tayong umalma, parekoy, dahil tayo ang higit na apektado!

The post ASEC TORRES ‘SLUT’ QUEEN AT LANGIT UMIIYAK NA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>