MAHIGIT 500 kaso ang naresolba ng Court of Appeals (CA) noong buwan ng Hulyo at hindi 96 lang gaya ng nakahayag sa kanilang records “online.”
Ito Ang Totoo: hindi naman pala naging “tolongges” noong Hulyo ang CA sa kabuuan, iyon lamang tagapamahala ng records nila ang mukhang may pagkukulang kahit na ipinagyayabang na “computerized” at “real time” ang pag-monitor sa mga kasong nasa poder nito.
Gayunman, mababa pa rin ang mahigit 500 kumpara sa nareresolba kada buwan sa nakaraan na umaabot sa mahigit libo ang bilang.
Bagama’t maaaring dumepende sa klase ng kaso ang bilis o bagal nito, sa 23 divisions ng CA na binubuo ng 69 associate justices na may mga alalay ring mga abogado na umaaral sa mga kaso, mukhang kailangan pa ng dagdag na sigla sa usapin ng bilang ng kasong nareresolba.
Dapat ding may sistema para masala kung may mga kasong nauna pa pero nilalampasan sa kung anong dahilan, lalo na iyong mga simpleng iniurong na dahil nagkasundo ang nagtutunggalian.
Dapat ding malaman kung sino ang tumatrabaho at sino ang tumu-tunganga lang at panagutin ang nagpapabaya sa pag-abala kundi pagkakait ng katarungan.
May inisyatibo si Presiding Justice Andres B. Andres na “zero backlog” ng mga kaso at layon umano niyang maging “responsive” ang CA sa pangangailangan sa kasalukuyang panahon.
Ito Ang Totoo: kung masusunod ang mga isinusulong ni Presiding Justice Reyes sa CA, malamang tuluyang mabubura ang duda sa sin-seridad ng naturang hukuman.
***
May “kontrata” raw laban sa buhay ni Subic Town Mayor Jay Khonghun dahil umano sa nasasagasaan niyang negosyo.
Hawak ngayon ng Subic Town PNP ang umano’y “hitman,” pati na ang 81-year-old na sinasabing “middleman” bagama’t hindi naman maituro kung sino ang may utos dahil walang pinanghahawakang batayan.
Kung totoong may banta sa buhay ng batang mayor, dapat matukoy at mapanagot ang nasa likod nito dahil ang patayan, kahit kailan, ay nakasisira sa kalakalan kahit saan at sa bandang huli, kung hindi maaabatan, ang magdurusa ay ang taumbayan. Ito Ang Totoo!
The post DEATH THREAT SA MAYOR AT ANG COURT OF APPEALS appeared first on Remate.
