Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KALBARYO NG MGA MOTORISTA SA VITO CRUZ

$
0
0

BIGWAS-gil bugaoisanDELUBYO ngayon ang inaabot ng mga motorista na napararaan sa may Pablo Ocampo Sr. o Vito Cruz) dahil tila inabandona na ng mga kinauukulan ang bahaging ito ng Maynila. Kapag ika’y nagagawi rito, maiisip mo na wala na nga yatang batas na umiiral sa lugar na ito.

Noon pa man ay idinaraing na natin ang napakatinding trapiko sa lugar dahil na rin sa mga sangkatutak na pedicab at kuliglig na kung umasta ay parang sila na ang may-ari ng kalsada. Wagas kapag makapa-counterflow ang mga ungas na ito at ang mga nasa tamang lugar pa ang kailangang umiwas sa kanila.

Lalo pang tumindi ang pinagdaraanang kalbaryo ng mga motorista dahil mula sa kanto ng Taft  Avenue paakyat malapit sa FB Harrison, dito na rin humihimpil ang mga bus na biyaheng Cavite na gustong makatakas sa bus dispatch system na ipinatutupad ng Metro Manila Development Authority.

Dito sila humihimpil upang humakot ng mga pasahero at pagkatapos ay iikot na sila sa Taft Ave. pabalik ng Cavite. Alam mo ba ito MMDA Chairman Francis Tolentino?

Isa ako sa mga naniniwala sa kabutihang dulot ng Bus Management and Dispatch System (BMDS) na ipinapatupad ng MMDA pero kung ganyan naman na tatanga-tanga itong si Chairman Tolentino at walang kaalam-alam na nalulusutan pa rin ito, ngayon pa lang ay huwag na tayong umasa na may kahihinatnan ng proyektong ito.

Ang lalong nakapagpapataas pa ng presyon ay itong mga traffic enforcer ng Maynila at pulis ng Western Police District (WPD) na wala namang ginagawa upang sana ay sawatahin at hulihin ang mga walanghiyang bus driver na humihimpil sa lugar na ito.

Tanggap na natin na talagang mapupurol ang utak ng ilang pulis sa traffic enforcer lalong-lalo na itong mga bataan ni Mayor Erap Estrada pero sana naman ay gamitin naman nila ang kanilang common sense sa kanilang pagtupad ng kanilang tungkulin. Hindi mo naman kailangang i-memorize ang buong libro tungkol sa mga batas trapiko sa bansa para malaman na wala sa linya ang ginagawa ng mga bus na ito dahil ang Vito Cruz ay hindi naman kasama sa kanilang ruta.

It also takes a simple common sense para malaman ng mga traffic enforcer at pulis na ito na sobrang sikip na ang Vito Cruz para gawin pa itong himpilan ng mga bus. Hindi naman siguro sila bulag para hindi makita ang napakahabang pila ng mga sasakyan sa lugar na ito araw-araw at hindi naman siguro sila bingi para marinig ang mga nanggagalaiting busina ng ibang motorista na naiipit sa matinding traffic.

Chairman Tolentino, pwede bang gumawa ka naman ng totoong tama at hindi na lang puro kapalpakan ang iyong ipinakikita. Kahit anong gawin mo na sa tingin mo ay tama ay mapupunta lang ito sa wala kapag mahina ka sa implementasyon.

Mayor Erap, siguro napapanahon na upang balasahin mo na itong mga pulis na naka-assign sa lugar na ito ng Maynila, kasama na ang mga nasa WPD traffic at ang mga civilian traffic enforcer. Kahit anong ganda ng mga repormang ipinatutupad ng iyong administrasyon kung ganyan namang nuknukan ng tanga ang iyong mga tauhan, tiyak na hindi magkakaroon ng pagbabago sa lugar na ito ng Maynila.

Sa susunod na daraan ako sa lugar na ito at wala pa rin akong nakikitang pagbabago, mura na ang aabutin niyo sa kolum na ito.

The post KALBARYO NG MGA MOTORISTA SA VITO CRUZ appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES