DAHIL panahon na ng anihan ng palay, kaya itong buwan ng Setyembre ang inaasahan ng ating mga kababayan na bababa ang presyo ng bigas dahil sa pagdagsa ng produkto ng ating mga magsasaka.
Pero kabaligtaran ang nangyayari. Biglang tumaas, parekoy, ang presyo ng bigas at kumonti ang suplay ng NFA rice!
Hanga rin tayo sa kapal ng mukha ni Department of Agriculture Sec. Proceso Alcala at ng kanyang NFA Administrator. Dahil kahit alam na at ramdam ng sambayanang Filipino ang kaganapang ito ay matinding kasinungalingan at panloloko pa rin ang kanilang pinagsasabi.
Na kesyo pababa na ang presyo ng bigas, na kesyo sandamakmak ang suplay ng NFA at kesyo ang maling balita na ito ay kagagawan lang ng ilang sindikato!
Bwakang-ina ninyo! Anong pababa ang presyo ng bigas gayong patuloy itong tumataas? Anong pinagsasabi ninyo na maraming suplay ng NFA rice gayong may nag-aagawan na nga sa pagbili? At anong sinasabi ninyo na sindikato ang may gawa gayong kayo ang nasa pwesto?
Iba na naman ba ang ituturo ninyong may kasalanan ng lahat ng ito? Tangna, kung may sindikato man . . . tiyak sa inyo ‘yun!
-o0o-
Dahil sa mga kasong kinasasangkutan kasama na ang “droga” ay umabot na sa 83 katao ang bilang ng mga Pinoy na nasa “death row” ng iba’t ibang bansa sa buong daigdig.
Habang minumuni-muni natin ang nakaaalarmang sitwasyon na ito, biglang iniulat noong nakaraang araw ang walang habas na pamamaslang na naman sa isang mediaman.
Bandang alas-4 ng hapon noong September 4 nang pagbabarilin hanggang mapatay ang kabaro nating si Vergel Bico, 40, sa Brgy. Pachaca, Calapan City, Oriental Mindoro.
Sa ating pagkakaalam, si Bico na ang pang-20 na media practitioner na pinatay sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Noynoy Aquino. Ngunit hindi tayo nakarinig kahit pabalat-bunga man lang na pagkondena mula sa bibig ni PNoy.
Kung hindi man ikinatutuwa ni PNoy itong pamamaslang sa ating kabaro, ang tiyak, parekoy, hindi siya nalulungkot. O kahit lungkot-lungkutan man lang! Huh!
Katunayan, sa panahon ni PNoy, nakaranas ang mga taga- media ng matinding pahirap bago makapagpalisensya ng baril o makakuha ng “permit to carry firearms outside of residence.”
Dahil dito, tahasan kong sinasabi, parekoy, na “gurami” ang bilang ng mga kababayan nating nasa “death row” sa ibang bansa kung ikukumpara sa ginagawa ni PNoy sa aming hanay.
Dahil araw-araw niyang isinasalang sa “death row” ang media practitioners sa ating bansa!
The post MEDIA PEOPLE NASA ‘DEATH ROW’ AT PANLOLOKO NG DA appeared first on Remate.
