Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANAK DAW NG SBMA CHAIRMAN

$
0
0

ito-ang-totoo-coloredKINATATAKUTAN ang Global Marine Services (Global) ng mga locator at investor sa Subic Freeport.

Ito Ang Totoo: umuupa ang Global sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa 18 ektarya sa loob ng dating Ship Repair Facility (SRF) ng mga Amerikano sa loob ng Freeport.

Pero P5 lang per sq. meter ang upa ng Global na sa kabuuan ay P1 milyon kada buwan, bagama’t pinagkakakitaan sa sublease, paghahakot ng basura, kontrol sa mga pantalan, pagkolekta ng toll fees kapwa sa nakasasakyan, naglalakad, at iba pa.

Subalit ang ikinatatakot,  partikular ng mga dayuhang opisyal ng mga kompanyang nagbibigay-serbisyo sa mga barkong dumaraong dito, ay ang anak umano ni SBMA chairman na empleyado ng Global.

Harapan ba naman ng anak daw ng SBMA Chairman, takot lang ng mga dayuhan, kaya ang Global ay gusto na ring pagbigyan.

“Foul” at labag umano sa “free  enterprise” ang gustong monopolyo ng Global, sigaw ng ibang negosyante, lihis, anila, sa isinusulong ni Pangulong Noynoy Aquino na “healthy business climate” sa bansa.

Ito Ang Totoo:  Si  SBMA Chairman Roberto V. Garcia ang dapat sumigaw ng “foul” dahil wala naman siyang anak na empleyado ng Global na pag-aari ng isang Rose Baldeo.

Si Chairman Garcia, ang alam natin, ay problema ng mga manunuhol dahil hindi nila ito mapatanggap kaya naniniwala tayo na hindi siya mako-corrupt ng simpleng pag-empleyo ng Global ni Baldeo sa anak nito.

Bukod sa hindi totoo, hindi kailangan ng mga anak ni Chairman Garcia na mag-empleyo kung kanino dahil sila ay may sapat na yaman at mga negosyo.

Ito Ang Totoo: ang ipinakikilala umanong anak ni Chairman ay anak pala ng isang Cecille Aguilar na nagtatrabaho sa opisina ni Chairman at  hindi  anak ni Chairman Garcia.

Mabuti na lang at ito ay nalinawan at ang paggamit sa pangalan ni Chairman Garcia para magoyo ang negosyanteng dayuhan ay naabatan.

Parang simple pero seryoso ang sitwasyong ito kaya “in fairness kay chairman,” dapat itong malantad para huwag nang pamarisan.

Panahon na rin para pag-aralan ang napakamurang upa ng Global at mga kondisyones ng kontrata nito na sadyang disbentahe sa pamahalaan. Ito Ang Totoo!

The post ANAK DAW NG SBMA CHAIRMAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>