Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PANGUNAHING SUSTAINABILITY REPORTS NG MANILA WATER

$
0
0

hilda-online-logoINILABAS kamakailan ng Boracay Island Water, Clark Water at Laguna Water ang kani-kanilang kauna-unahang Sustainability Reports, na sang-ayon sa pamantayan ng GRI Level C ng Global Reporting Initiative (GRI) G3.1 Guidelines, isang lipon ng mga pamantayan sa sustainability reporting na kinikilala sa buong mundo.

Itinuon ng Boracay Water ang kanilang ulat, na may pamagat na “Sustaining Tourism”, sa pagkalinga sa kalikasan sa Boracay na siyang pangunahing tourist destination sa bansa.

Samantala, binigyang-pansin naman ng Clark Water ang kontribusyon nito sa pagpapalawig ng ekonomiya sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa ulat nitong “Driving Growth”.

Binigyang halaga ni Laguna Water sa kanilang ulat na “Building Communities” ang kanilang pagpupunyagi sa paghahatid ng malinis ngunit abot-kayang tubig sa mahihirap na komunidad.

Nagsilbing huwaran ng mga subsidiary ang ginagawang pag-uulat ng Manila Water ukol sa sustainability. Patunay nito ang kahuli-hulihang sustainability report na inilabas ng kompanya na may temang “Championing Sustainability” na muling naaayon sa pamantayan ng Level A G3.1, gayundin sa patnubay ng ISO 20006 ukol sa social responsibility. Ang Manila Water ang kauna-unahang kompanya sa Pilipinas na naglabas ng gayong pag-uulat noon pang isang taon.

“Sa paglabas ng mga sustainability report na ito, pinagtibay ng Manila Water at mga subsidiary nito ang pangako ng pagpapalawig ng sustainability sa aming paglilingkod gayundin ng pagbibigay-halaga sa aming stakeholders sa pagpapatuloy ng mga programang pangkomunidad at sa pangangalaga ng kalikasan,” paglalahad ni Carla Beriña –Kim, Sustainable Development Head ng Manila Water.

Binigyang-buhay ang mga ulat ng mga pagpapatunay na ibinahagi nga mga stakeholder pati na rin ang mga beneficiary ng iba’t ibang programa ng mga kompanya. Ang mga ulat ay sinuri naman ng lupon ng mga eksperto sa sustainability.

The post PANGUNAHING SUSTAINABILITY REPORTS NG MANILA WATER appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>