Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ILIGAL NA SUGAL KAHIT SAAN AT CONGRATS SA QCPD PRESS CORPS

$
0
0

lily's-files-lily-reyesBIBIGYANG-DAAN muli ng Lily’s Files ang ilan sa tambak na text message at  mga nag-email ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa  kanilang kahilingan at proteksiyon.

Kung anoman ang mailalathala ng  pahayagang REMATE,  iyon po  ang mga nakasaad sa kanilang mga padalang text message at email sa Lily’s Files column natin at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

MAGANDANG  araw po.

Talamak na talaga ang illegal gambling swertres dito sa Nor- thern Leyte, ang masaklap lang ay mismong mga mayor pa mismo ang financiers na may blessings pa sa isang mataas na opisyal ng lalawigan.

Grabe na ang imoralidad sa sugal na ito.

Walang ginagawa ang PNP provincial director at mga hepe, baka sakaling sa pamamagitan ninyo ay magising  ang mga nasa itaas, o pakiaksyunan lang po.

Maraming salamat at more power sa column n’yo. 0919_4_2_0_.

BAKIT po sa kabila ng NO TAKE POLICY ORDER ay laganap pa rin ang jueteng at lotteng dito sa Marikina.

May nagsasabi po na talagang hindi raw tumatanggap ang hepe ng pulis na si Col. Jagmis at mayor pero bakit talamak pa rin ang mga iligal na pasugalan dito?

Ang mga may pa-jueteng at lotteng dito sa Lungsod ng Marikina ay sina  alyas Pinong at Don Ramon.

May kinalaman daw po ang  Intel Chief na si Maj. Bernard Pascua at sa kanya po inaabot ng mga kabo  para huwag lang hulihin ang nagkalat na kubrador.

Kaya pala malakas ang loob ng mga gambling lord na ‘yan, gawa ni Maj. Pascua.

Marami na po ang nagrereklamo kaya po nag-text na kami sa inyo.

Maraming salamat po. 0929_0_0_5_.

o0o

Binabati ng Lily’s Files ang Quezon City Police District (QCPD) Press Corps sa kanilang matagumpay na Induction of Officers kagabi na ginanap sa Shangrila  Restaurant, West Avenue, Quezon City.

Naging panauhing pandangal si Quezon City Police District (QCPD) Director, Gen. Richard A. Albano, at National Press Club (NPC)  President Benny Antiporda, na siyang naging inducting officer.

Highlight ng nasabing induction ang paggawad ng mga certificate of appreciation sa mga karapat- dapat na pulis ng QCPD.

o0o

Bukas po ang Lily’s Files para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa 09165571946  at  09087230036  o kaya ay mag-email lang sa …lpr_2012@yahoo.com.

The post ILIGAL NA SUGAL KAHIT SAAN AT CONGRATS SA QCPD PRESS CORPS appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>