Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GULONG DAPAT NAIWASAN

$
0
0

square-nelson-floresANG muling pagsiklab ng karahasan sa Mindanao bagama’t kagagawan ng rebeldeng grupong Moro National Liberation Front (MNLF) ay maaaring iugat sa ginawang tila pambabastos sa kanila ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Bakit ‘ika ninyo? Kasi nang makipag-usap ng pangkapayapaan si B.S. Aquino sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay kinalimutan nito na may umiiral pang usapang pangkapayapaan ang pamahalaan at MNLF.

Kung bakit sadyang hindi inilahok ang lahat ng may interes sa usapang ito ay siya lang ang nakaaalam. Wala ang MNLF, mga lumad, at local government units ng Mindanao sa usapang ito pero ang pinag-uusapan ng mga amuyong ni B.S. Aquino at pro-Malaysian MILF ay ang mga lupain at kayamanan ng Mindanao.

Umasta kasi ang Pangulo na balewala na ang MNLF, mga lumad at ang mamamayan ng Republika kaya hindi na tayo isinama pa sa usapan ng kanyang administrasyon at MILF.

Siyempre nabastos ang ilang sektor lalo na ang MNLF kaya hayun may gulo ngayon sa Mindanao.

Ayon sa mga nakarating sa akin na ulat, sinulsulan ng Malaysia at ilan sa mga nagmamagaling na amuyong ni B.S. Aquino na MILF lamang ang kausapin. Napag-alaman ko pa na hindi tulad ng MNLF, walang interes ang MILF na habulin ang Sabah…kaya ito ang kinatigan ng Malaysia.

Pansinin na sa Kuala Lumpur, ang kapitolyo ng Malaysia, palagiang ginagawa ang mga usapan ng GRP at MILF. May mga nagsasabi pa sa inyong lingkod na pinopondohan at binibigyan ng armas at pagsasanay militar ng Malaysia ang MILF para ito ang mamresyur sa pamahalaan na huwag ng pakialaman pa ang Sabah. Sa madaling salita, proxy ng Malaysia ang MILF laban sa ating republika at ito ang kinakausap ni B.S. Aquino.

Naalala ko tuloy ang ulat na lumabas na noong dekada ‘70, humingi ng tulong si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino sa Malaysia laban sa diktador at dating Pangulong

Ferdinand Marcos kapalit nang pagtalikod natin sa Sabah.  Mukhang talagang ipamimigay ng mga Aquino ang Sabah sa Malaysia pero sa ibang kolum na natin tatalakayin ‘yun.

Kung hindi lamang naging arogante si B.S. Aquino sa pag-iisip na wala nang silbi ang MNLF ay hindi sana magulo ngayon sa Mindanao. Ito ang gulong hindi dapat nangyari kung naging malawak lamang ang pananaw ng Pangulo at kung hindi niya pinatatakbo ang Pilipinas na parang student council ng isang pamantasan.

* * *

Hindi dapat hayaan ang Malaysia na patuloy na mamagitan sa usapang pangkapayapaan ng pamahalaan at MILF matapos nitong pagpapatayin at abusuhin ang mga inosenteng Filipino na naninirahan sa North Borneo o Sabah kamakailan.

Bukod dito ang pag-aaklas ng MNLF at MILF na inayudahan ng Malaysia ay tinatayang pumatay ng humigit kumulang 150,000 katao.

Nagbunga rin ito ng paglikas ng halos 800,000 nating kababayan patungo sa Sabah. Ito ang mga kababayan nating inaabuso ng Malaysia ngayon.

The post GULONG DAPAT NAIWASAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>