BAGAMA’T nalusutan ni Tony Kho ang maraming kaso ng “murder,” gayunman ay mamamatay-tao pa rin ang turing sa kanya ng kalabang si Dayan.
Dahil sa rami ng nagkandatigbak sa Masbate na itong si Antonio ang itinuturong salarin!
At sakaling malusutan din ni Dayan Lañete ang kasong “plunder” ay patuloy rin siyang ituturing ni Tony Kho bilang tulisan!
Dahil ang pangungulimbat ng mahigit 110 milyong pisong pera na nakalaan sana para sa libo-libong mahihirap na Masbatenyo ay masahol pa sa gawain ng isang kriminal!
Dahil habang nagdidildil sa asin ang aking mga kababayan ay nagpapakasawa naman si La-ñete sa sandamakmak na pera.
At nagtatampisaw sa makamundong kaligayahan! ‘Di ba Edgar?
Diyos ko! Ano na ba ang nangyayari sa lalawigan kong mahal?
Walang pwedeng kabigin . . . dapat parehong itulak! Pwe!
‘Wag kayong mag-alala, mga kababayan, dahil kapag limang beses akong tumama sa lotto ay ako na lang ang tatakbo! Hak, hak, hak!
Kung anong milagro ang ginawa ni Tony Kho kaya siya napawalang-sala ay Diyos lamang ang nakaaalam.
Pero sa totoo lang mahusay ang kanyang pagkamaniobra.
Ang problema, parekoy, itong “darling” ng Kapitolyo at ni Edgar de Lara na si dating 3rd Dist. Rep. Rizalina Lañete.
Maimamaniobra rin kaya niya ang kasong plunder? Hmmmm, mahirap paniwalaan dahil ang mata ng buong daigdig ay nakatutok sa kanya at mga kasabwat ni Napoles!
Nakalulungkot man isipin, pero dahil kay Lañete ay biglang sumikat na naman ang Masbate.
‘Yun nga lang, sa larangan nang pangungulimbat!
At sa tindi ng ebidensya, pwede lang mapatagal nila ng kaunti ang pinal na paghatol.
Pero kapag tinamaan ay tiyak na habambuhay na si Dayan sa kulungan! Ihanda ang wheelchair!
-o0o-
Nasamid tayo, parekoy, habang binabasa ang isang kolum na nagsasabing wala na raw iligal na sugal sa Region 4-A dahil sa “no take policy” ni RD.
Susmaryosep, natutulog yata sa pansitan ang kolumnistang ito na halatang umeepal lang kay Calabarzon RD, C/Supt. Jesus Gatchalian.
Gusto ninyong malaman kung gaano katalamak ang iligal na sugal sa Cavite? Ipagtanong ninyo sa mismong mga pulis sa Cavite City, Kawit, Rosario at Noveleta kung sino si Danny Itlog!
Ahh, si Danny? Siya ang “itlog” ni Col. Alexander Rafael, ang PD ng Cavite!
Hak, hak, hak! ‘Yan, parekoy, ang tiyak na isasagot sa inyo!
Baka naman ikaw na lang Gen. Gatchalian, sir, ang hindi nakaaalam na matagal ka nang ginagago sa iligal na sugal sa Cavite! Huh!
The post MURDERER VS PLUNDERER; SUGAL SA CAVITE TALAMAK appeared first on Remate.
