Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MARUMI AT ‘DI PATAS NA PAGLILINIS SA PAMAHALAAN

$
0
0

benny antipordaSINASABI ni Senator Jinggoy Estrada na ilalabas niya ang katotohanan ukol sa korapsyon na bumabalot mismo sa pamahalaan.

Kung totoong may hawak na bomba si Sen. Jinggoy laban sa mga nasa poder, dapat na gawin niya agad ito.

Tutal sinasabi mismo ni Senate President Franklin Drilon na “paglilinis” sa pamahalaan ang nagaganap.

Ang pahayag ni Sen. Drilon ay naging malinaw makaraang sampahan ng Department of Justice at National Bureau of Investigation si Sen. Jinggoy kasama ang dalawa pang senador, Janet Lim-Napoles at iba pa na sangkot sa pork barrel scam.

KARAPAT-DAPAT

Kung magaganap ang mga kasuhan sa pagitan ng mga nasa oposisyon at administrasyon, diyan magaganap ang sabihin nating “tunay” na paglilinis sa pamahalaan.

Ito ang inaantay ng mamamayan na pagkakataon para makilatis ang mga nararapat na lingkod-bayan.

At sa mga susunod na pagkakataon para sa pagpili ng mga lider ng bansa, itataga nila sa bato ang mga pangalang hindi nararapat at karapat-dapat.

‘Yun bang === sa balota.

NGIPIN SA NGIPIN MATA SA MATA

Seryoso ang pork barrel scam dahil salapi ng bayan ang ninanakaw rito.

Nakataya rin ang pagtitiwala ng mamamayan sa pamahalaan.

Naging kuwestiyunable na rin ang batas laban sa korapsyon at pandarambong.

Parehong nawawala ang mga salaping bayan at pagtitiwala ng mamamayan sa pamahalaan at nababalasubas ang batas.

Kaya naman, dapat lang na ngipin sa ngipin ang labanan at mata sa mata ang labanan dito.

Hanggang sa magiging bungal at bulag ang mga magnanakaw at mandarambong.

KASALI MAGING ANG MADASALIN

Akmang-akma ang balak na gawin ni Jinggoy sa kahilingan ng lahat na dapat na managot ang lahat na managot sa iskam.

Ayon sa mga relihiyoso naman, gusto nilang lahatan ang paglilinis at mangyayari ito sa gagawin ni Jinggoy.

‘Yun ay kung matutuloy ito.

Hindi nagugustuhan ng lahat ang tila pagpili ng pamahalaan kung sino ang gusto nilang asuntuhin.

Ang aksyon ng anak ni Erap ang maglalantad ng buong katotohanan.

Hindi natin pinupuri rito si Sen. Jinggoy.

Pero mahalaga ang aksyon nito upang maging buo ang paglilinis sa pamahalaan.

MAY PROBLEMA

May problema nga lang, mga Bro., sa aksyon ni Jinggoy.

Isa sa mga problema ang paglalabas ng mga ebidensya sa kaaliwaswasan ng mga nagdiriin sa kanya sa kasong pandarambong.

Hindi kaya mahirapan ito na maglabas ng mga dokumento mula sa pamahalaan?

Kakaiba ang nagaganap sa mga katulad niya na kinasuhan.

Parang “unli” ang mga ebidensya na inihahain laban sa kanila.

At lahat ng mga ahensya ng pamahalaan ay kumikilos laban sa mga kinasuhan na mga senador at mga kasabwat umano nila.

Kita naman ninyo, bulto-bulto ang mga dokumento.

May mga whistleblower pa nga.

Pati ang mga pangunahing suspek sa mga korapsyon at pandarambong ay balak pa yatang gawing state witness.

PATAS NA KATARUNGAN

Sana naman, makakita tayo ng patas na katarungan sa pork barrel scam.

At ang patas na kataru­ngan hindi lang ukol sa mga iskam na konektado kay Napoles at iilang senador at kongresman.

Dapat kasama sa mga kaso ang nasa 180 kongres­man at nakararami sa mga senador.

Dapat kasali rin ang mga sangkot sa Malakanyang.

At kung pupuwede ay isali rin ang mga pandarambong at korapsyon sa nakalipas na 20 taon.

Alalahaning 20 taon ang panahon para sa pagsa­sampa ng kaso laban sa mga kawatan sa pamahalan.

At walang limitasyon ang pagsasampa ng kaso para sa pagrekober ng lahat ng nakaw na yaman mula sa kaban ng bayan.

Kung ang sinasampahan lang ng kaso ay ang mga kaaway ng mga nasa poder kaugnay ng halalang 2016, saang kangkungan tayo pupulutin?

PABULUSOK NA PILIPINAS

Alam ba ninyo, mga Bro, ang nagaganap tuwing nagtatapos ang termino ng mga Pangulo ng bansa?

At kung dumarating ang mga halalan?

Ayon sa mga empleyado ng Bureau of Internal Revenue, lalo na ang Bureau of Customs, hindi maipaliwanag na pagbagsak ng koleksyon sa buwis at taripa ang nagaganap.

Bakit?

May paliwanag ang mga empleyado.

TUMATAGAS NA BUWIS

Sa Customs, sinasabing kalahati ng dapat na koleksyon sa taripa at buwis ang tumatagas tuwing magtatapos ang termino ng mga Pangulo.

Ganito rin ang nagaganap tuwing halalan.

Sabi ng mga empleyado, isinasagad ng mga kawatan ang pagkatas sa mga negosyante at ismagling na rin sa pagtatapos ng kapangyarihan ng kanilang mga bossing.

Panay rin ang pangingikil, lalo na ang mga may kontrol sa Malakanyang, sa mga negosyante bago maghalalan para sa campaign funds.

Tumatagas din umano ang koleksyon ng buwis sa mga negosyante na hagip ng BIR.

HABULIN SILA

Sino kaya ang maglalabas ng iskam dito na higit na mas malaki kaya sa pork barrel scam ni Napoles?

Abangan!

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa  i-text sa 09214303333.

The post MARUMI AT ‘DI PATAS NA PAGLILINIS SA PAMAHALAAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>