ANG Social Security System (SSS) ay nagkaloob ng kauna-unahang “Miyembro, Bilib Kami Sa’Yo” Special Awards sa 4 na kooperatiba at 5 Informal Sector Groups (ISGs) para sa kanilang pangungunang pakikipagtuwang sa SSS na nagbukas sa daan ukol sa proteksyong social at aktibong pagiging kaanib ng SSS sa mga trabahador sa kani-kanilang sektor sa naganap na seremonya noong Setyembre 9, 2013.
Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Emilio De Quiros, Jr. na binigyan din ng pagkilala ang 5 retail corporations sa kanilang naging tungkulin, na magawa ang serbisyo ng SSS upang mailapit sa publiko na nagtutungo sa mga mall, tuwing nagkakaroon ng pagpaparangal na bahagi ng anibersaryong programa, na ginanap sa SSS building sa Quezon City.
“Dahil sa suporta ng ISGs, ang mga kooperatiba at iba pang katuwang na institusyon, naestablisa ng SSS ang mga paraan at pagbabago upang maiparating sa milyong manggagawang Filipino, lalo na ‘yung informal sector. Binibigyang pagpapahalaga ang nabigyan ng gawad pagkilala bilang nangunguna sa kanilang sector, upang yakapin ang bagong posibilidad na madala at mailapit sa kanilang mga kaanib ang SSS” wika pa ni Pres. De Quiros.
Ang bagong SSS Awards Program ay pinasigla ng 56th SSS Anniversary theme, “Nagpupugay sa Miyembro, Bilib Kami Sa’Yo!” President & CEO Emilio De Quiros Jr, Social Security Commission Chairman Juan Santos at SSS Executive Vice President Edgar Solilapsi ang nagprisinta ng tropeo sa mga kinatawan na binigyan ng gantimpala, na ang iba ay nakapag-libot na sa lugar na malalayo tulad ng Legaspi at General Santos Cities.
Ang mga kinilalang kooperatiba ay ang Deep Well Sumulong Irrigators Association, Inc, Dao Multi-Purpose Cooperative, Simbag sa Pag-Asenso at Center for Agriculture and Rural Development Inc.
The post “NAGPUPUGAY SA MIYEMBRO, BILIB KAMI SA’YO” ANG THEME NG SSS 56th ANNIVERSARY appeared first on Remate.