Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

RADIKAL SI POPE FRANCIS

$
0
0

bobby-ricohermosoDAHIL sa kabi-kabilang gulo at problema na dinaranas ng milyon-milyong tao sa buong mundo dahil na rin sa kasakiman sa kapangyarihan, pera at katanyagan, mukhang napapanahon na para pakinggan at sundin natin ang mga sinasabi ni Pope Francis.

Hindi katulad ng mga tradisyunal na Santo Papa na nauna sa kanya na halos itinuturing na rin ang sarili bilang mga Diyos dahil nga sa taguring Vicar of Christ, si Pope Francis naman ay ipinakikita na isa lang siyang ordinaryong tao.

Kaya naman hindi kataka-taka na ang bawat sermon na ibinibigay niya ay madalas na nakatuon sa totoong kalagayan ng tao sa lupa at hindi iyong tungkol sa mga maka-langit na usapin.

Nito lamang nakaraang mga araw ay ginulat niya ang mundo sa dalawang magkasunod na makatotohanan subalit kontrobersyal na mga pahayag.

Ang unang pahayag niya ay may kaugnayan sa usapin ng kung paano itatrato ng Simbahan at ng mundo na rin ang mga taong nabibilang sa third sex, at ang mga isyu ng contraception at maging ng abortion.

Nagulo ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines nang sabihin ni Pope Francis na ang sobrang obsesyon ng mga pari na kondenahin ang mga bagay na ito ang dahilan kung bakit lumalayo ang damdamin ng mga tao sa Diyos at sa pananampalatayang Katoliko.

Pinuna ni Pope Francis ang pagsasara ng pinto ng Simbahan sa nasabing mga usapin, sa halip na iligtas ang mga taong gumagawa ng nasabing mga bagay.

Dahil doon, hindi malaman ng CBCP ang gagawin kaya naobliga si Fr. Francis Lucas, na siyang Executive Secretary ng Episcopal Commission on Social Communications and Mass Media na magpahayag na sang-ayon sila sa sinabi ng Santo Papa, bagama’t alam naman natin na hindi sila lubos na naniniwala rito.

Kahapon naman ay isang napapanahong sermon na naman ang binitiwan niya nang kondenahin niya ang sobrang obsesyon ng mga tao sa mga materyal na bagay na dahilan para gawin nilang Diyos ang salapi.

Kinondena rin niya ang maling sistema ng ekonomiya na aniya ay hindi makatarungan at labag sa kagandahang-asal, kaya nakaligtaan na nating tulungan ang mga mahihirap dahil mas inuuna ng maraming tao ang pagpapayaman sa kanilang sarili kaysa tumulong.

Bilib ako kay Pope Francis sapagkat napapanahon ang lahat ng kanyang mga pahayag at sana nga lang ay mapakinggan siya ng mga negosyante at mga politikong namumuno rito sa bansa natin.

Pag nagkagayon ay magiging mas maganda, mapayapa at kaaya-aya ang mamuhay rito sa Pinas.

The post RADIKAL SI POPE FRANCIS appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>