Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAGTUTURO NA SI NAPOLES

$
0
0

raul_valinoTIYAK na ituturo ni Janet Napoles ang mga congressman at senador na sangkot sa P10 billion pork barrel scam para patunayan na siya ang least guilty sa usaping ito.

Kung siya ay least guilty, malamang na ilagay siya sa witness protection program ng Department of Justice (DOJ) katulad ng mga whistleblower, kasama na si Benhur Luy, pinsan ni Janet.

Hindi kasama sa mga akusado sa P10 billion scam sina Benhur, bagama’t sila ang mga pumirma sa mga sinasabing fake na non-government organization (NGO) na  nakinabang sa racket na ito.

“Dummy lang kami,” sabi ni Benhur sa isang pagdinig sa Senado. “Ang tunay na may-ari ng NGO ay si Napoles.”

Ang alam ko ay iligal ang pagiging dummy kaya’t dapat ay isama rin ng Ombudsman ang mga whistle-blower na ito sa listahan ng mga akusado.

Ayon kay Lorna Kapunan, abogada ni Napoles, hindi rin ligtas ang mga congressman at mga senador sa kasong ito. Hindi katanggap-tanggap ang palusot na hindi alam ng kanilang mga chief of staff ang scam na ito.

Dapat  parusahan ang lahat ng mga taong involved sa malawakang nakawan na ito sa sandaling mapatunayan ang kanilang sala, maski na whistleblower man sila, congressman, senador, empleyado ng gobyerno, o maski na siya ay si Mrs. Napoles.

May agam-agam na si Napoles ay magiging isang state witness. Ang posibilidad na ito ay hindi binabalewala ni Justice Secretary Leila de Lima.

Ito rin ay malamang na ihirit ni Lorna Kapunan.

Papayag kaya ang bayan na maabsuwelto si Napoles?

Mukhang may naaamoy ako sa kahihinatnan ng kasong ito.

May mga pagtatakip kayang mangyari sa P10-billion scam na ito?

At papayag kaya ang mga lawmaker na mawala na rin ang kanilang mga pork barrel?

Paano na raw ang kanilang mga scholar?

Ang mga mahihirap na may sakit?

Ang mga magbubukid?

The post MAGTUTURO NA SI NAPOLES appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>