Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BALIK SA MEDIA KILLINGS, ANG KUPAD NG GOBYERNONG PNOY

$
0
0

NATS TABOYNATUTUWA tayo at mabilis na nalutas ng mga awtoridad ang kaso ng pagpatay sa advertising executive na si Kristelle ‘Kae’ Davantes.

Halos wala pang dalawang linggo matapos ang krimen, huli ang mga salarin. At hindi sila fall guy dahil mga aminado sa ginawang kasalanan.

Ipinakita lamang nito na kung gugustuhin ng pulisya, mareresolba agad ang isang kaso.

E bakit kung usapin sa pagpatay sa mga mamamahayag ay ang kupad ng mga awtoridad? Sila ay nangangamote at nagkakamot ng bayag sa pagtukoy sa mga salarin.

Dahil ba si Pangulong Banoynoy, este, Noynoy ang nag-isyu ng kautusan na nais niyang maresolba sa lalong madaling panahon ang kaso ng pagpatay kay Davantes?

Hindi naman sa tayo’y nagtataka pero parang gayon na rin na nga. Kailangan pa bang i-pressure ni Banoynoy itong pulisya o NBI para magkandalaglag ang kanilang salawal o karsulsilyo sa paghahabol sa mga kriminal sa isang krimen?

Kailangan pa ba silang “tokbahan” para magising sa pansitan at magkandarapa sa paghuli sa mga suspek.

Pero ang mas nakalulungkot, kailangan pang maglaylay ng reward ng Panggulo, este, Pangulo para maging interesante sa mga awtoridad ang isang kaso ng pagpatay?

Hindi  ba’t nagpalabas si PNoy ng P2 milyong reward sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon na magbibigay-daan sa maagang pagkalutas ng kaso?

Kung walang pressure mula sa nakatataas at wala palang inilabas na reward, baka isa na rin sa nilulumot ang Davantes slay case?

Nakadidismaya na nagiging ugali ng mga awtoridad na kailangang suhulan muna bago kumilos laban sa mga kriminal. Tulad sa isang pangyayari na kailangan munang bigyan ng panggasolina ang kanilang sasakyan upang makaresponde sa nangyaring gulo.

Tutal ay puwede naman palang i-pressure ni Banoynoy ang awtoridad at kaya rin niyang maglabas ng reward sa ikadarakip ng mga salarin sa isang partikular na kaso, bakit hindi niya ito gawin sa mga kasong pagpatay sa mga mamamahayag?

Sa tatlong taon pa lang ni Banoynoy sa Malakanyang, 20 nang mamamahayag ang pinatay ngunit ni isa sa kaso ay wala pang nareresolba.

At patuloy na nagiging mapanganib ang buhay ng mga journalist sa bansa habang nagtatagal siya sa Malakanyang.

Kagaya ni Banoynoy, marami tuloy sa mga opisyal ng National Press Club ang nalalagasan ng buhok sa kaiisip kung paano mabibigyan ng hustisya ang mga kasamahang biktima ng pagpaslang.

Sabi nga nina Ka Paul Gutierrez, Arlie Calalo at Joel Egco, mas mabuti nang maubos ang buhok nila sa bumbunan, basta huwag lang magpatuloy ang pagkaubos ng mga kapatid namin sa hanapbuhay.

Pero kung ganyang bano ang Pangulo ng Pilipinas, mauubos tayo r’yan.

The post BALIK SA MEDIA KILLINGS, ANG KUPAD NG GOBYERNONG PNOY appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES