NASA tamang direksyon ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa pakikipag-alyansa ng Palasyo sa White House sa isyu ng pagkakaroon ng malaking bilang ng US troops, kasama ang mga makabagong armas at kagamitang pandigma.
Isang plano ito ng gobyerno para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines at pangmatagalang mithiin na pagkakaroon ng Pilipinas ng masasandigang “minimum credible defense.”
Ayon pa sa mga eksperto sa diplomasya at foreign policy, paniguradong bentahe para sa bansa ang mabubuong kasunduan mula sa pag-uusap ng Best Friends Forever US-PH na lalong nag-aalab ang pagmamalasakit sa isa’t isa.
Marami man ang tumututol sa usaping BFF ng US at Pinas, kailangang maging praktikal para maipagtanggol ang ating dangal bilang malayang mamamayan at maipamalas ang ating katapangan ng paglaban para sa Bayan.
Tama lang na magsimula na ang war games sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa Zambales na hindi kalayuan sa inaangkin ng China na Bajo de Masinloc sapagkat matindi na ang takot na namamahay sa dibdib ng mga residente, lalo na ang mga mangingisda na ginawa na lang pampasahero ang kanilang mga bangka bunga ng umiinit na sitwasyon sa lugar kung saan nagtatayo na ng istraktura ang puwersa ng China.
Kailangan nilang kumayod pansamantala upang may pambuhay sa kanilang pamilya sapagkat wala pa rin ang inaasahan nilang tulong mula sa lokal na pamahalaan at ang resulta ng ginagawang hakbang ng pambansang gobyerno kaugnay ng krisis.
Ang mga karaniwang mamamayang tulad ng mga mangingisda ng Masinloc ang direktang apektado ng paglapastangan ng China sa ating soberaniya at pisikal na pagsakop sa ating teritoryo.
Kaya nga dapat ituloy-tuloy ng pamahalaan ang pakikipagkaibigan sa pamahalaang Kano .
Hindi naman natin sinasabi na hindi na opsyon ang: “Ang mamatay ng dahil sa iyo!” Pero dapat nating tularan ang ginawa ng ating mga bayani alang-alang sa kalayaan ng bayan.
o0o
Pases na ba ang pagtatrabaho sa Malakanyang ng isang tao upang mangyapak ng kanyang kapwa? Kapag ba humingi ng tulong ang isang kababayan sa isa sa mga tauhan ni Pangulong Noynoy ay dapat na nitong gamitin ang kanilang impluwensiya?
Dapat itong imbestigahan ni Secretary Rolando Llamas, presidential adviser on political affairs.
Ginagamit ng isang nagpapakilalang executive assistant ng kanyang undersecretary ang kanyang tanggapan sa pananakot upang makuha ang kanyang gusto.
The post PINOY, TAKOT MAMATAY PARA SA PINAS; ABUSADONG EA SA PALASYO appeared first on Remate.
