Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DARATING AT DARATING DOON

$
0
0

intonAT naging isyu pa kung papupuntahin ba o hindi si Janet Lim-Napoles sa imbestigasyon sa Senado.

Naghahanapan ng ligal na mga basehan kung sino ang susundin — ang pagpapatawag ba ng Senado kay Napoles o ang batas daw ng Ombudsman na hindi na pwedeng interbyuhin ang witness dahil may kaso ito.

Hindi tuloy napigilan ang pagpapakita ni Senator TG Guingona ng matinding pagkairita sa paliwanag ng Department of Justice tungkol sa hindi pagsipot ni Napoles noong isang araw sa Senado.

Kampi tayo kay TG Guingona. Tama siya.

Maraming tanong ang mga Senador kay Napoles, at kung saan-saan na rin naman nagbigay ng pahayag si Napoles, bakit hindi niya gawin sa Senado sa harap ng ilan sa mga personalidad na nasira na rin naman ng iskandalo na sinimulan ng akusado.

Galit ang tao.

Inip na sila sa solusyon o kalinawan man lang ng isyu na ito na kinasangkutan ng ilan sa mga pinakamalalaking pangalan sa mundo ng pulitika.

Bakit nga hindi pilitin si Napoles na magkwento na ng lahat ng kanyang nalalaman?

Tutal naman hindi na rin siguro mag-aagawan ang mga politiko na magpa-picture sa kanya.

Kanya-kanya na ng iwas.

Kanya-kanya nang deny na kilala siya o minsan ay naging malapit ang mga ito sa kanya.

Wala na bang kaibigan si Napoles mula sa mga matataas na pwesto sa pamahalaan?

So  wala na syang pangingimian, pwede na siguro siya magkwento, magkwento nang magkwento.

Marami rin nagsasabi na over-acting daw ang pag-secure kay Napoles.

Kanino siya nagtatago o natatakot?

Sigurado ako na kung ang mga tao ang tatanungin, walang may gusto na mapahamak siya dahil excited ang lahat sa mga pwede niyang ikwento.

Kaya tama lang na mapikon si Senator Guingona sa ‘di pagsipot ng witness.

Ang daming tanong ni Guingona, ang daming tanong ng mga senador, ang daming tanong ng taumbayan.

You cannot avoid the inevitable, darating at darating tayo sa punto na kailangan din magkwento ni Ms. Napoles.

Ang tanong ay kung kailan.

The post DARATING AT DARATING DOON appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>