MUKHANG patungo na sa kangkungan ang pangarap ni Ping Lacson na makatulong sa administrasyong Aquino. Putok na kasi ang balitang marami sa mga alipores ni PNoy sa Malakanyang, lalo’t higit ang may mga pangarap sa 2016 election, ang humaharang sa pagtatalaga kay Lacson dahil malinaw namang banta ito sa kanilang ambisyong maging pangulo ng bansa.
Sa ating nasagap, hindi lang ang mga kapartido ni Pangulong Noynoy Aquino sa Liberal Party ang humahadlang sa pagtatalaga kay Ping bilang tagasugpo ng mga kurakot sa bansa dahil ang lahat daw ng may ambisyon sa 2016 ay tutol nang i-appoint ang dating senador, lalo pa’t alam nilang magagamit nang husto nito ang nasabing pwesto para bumango sa taumbayan.
Malinaw na sa kasalukuyan ay sina Senador Mar Roxas, Chiz Escudero, Alan Cayetano at VP Jojo Binay ang mga masasabi nating kaalyado ni PNoy na may ambisyong maging pangulo ng bansa. Alam nilang “strong contender” din si Lacson sa presidential election sa 2016 kaya’t ngayon pa lang ay sinisimulan na nilang durugin ang dating mambabatas na taga-Cavite lalo pa’t ito lang yata sa mga nag-aambisyon sa 2016 ang hindi nahaluan ng pork barrel o Priority Development Assistance Fund sa katawan.
Si Lacson kasi ang bukod tanging naging mambabatas na hindi tumanggap ng kanyang pork barrel fund magmula nang ito ay maging senador dahil bukod sa alam niyang iligal ito ay punom-puno pa ito ng elemento ng korapsiyon.
Alam naman nating lahat na ayaw ng tao ngayon sa mga kurakot lalo na sa mga tumanggap ng pork barrel kaya’t dito, lamang na agad si Lacson sa mamamayan.
Isa pang dahilan kaya hinaharang ang appointment ni Lacson ay pumutok na ang balitang nag-oorganisa na ito para sa presidential dearby sa 2016 na kung saan bubuo raw ito ng sariling ticket.
Mr. Clean si Ping Lacson sa publiko sa ngayon kaya’t dito takot ang mga trapo ng bansa dahil alam nilang naghahanap na ngayon ang taumbayan ng alternatibong tao na siyang magbibigay proteksyon sa pera ng estado na galing sa tao.
o0o
Dapat bantayan ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez ang kanyang mga itinalagang department head lalo’t higit ang mga inilagay nito sa mga income generating department.
The post MALABO NA SI LACSON appeared first on Remate.
