Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

RD, ‘DI TUMATANGGAP NG PAGKAKAMALI

$
0
0

pakurot1HINDI masamang umamin sa pagkakamali, lalo na kung ikagaganda ito ng takbo ng organisasyong kinabibilangan.

Tulad sa pulisya, dapat alam ng regional director na tumanggap ng kamalian upang hindi naman ma-demoralize ang hanay ng kapulisan tulad ng nangyayari sa National Capital Region Police Office.

Maraming opisyal ng mga distrito na nasa ilalim ng NCRPO ang isinailalim sa “Balik-Aral” dahil sa mga ito ang umano’y hindi nagtatrabaho at tinamaan dahil sa “check point inspection” ng NCR.

Maaaring ang iba ay totoo na hindi nagtatrabaho, subalit ang iba na kumpleto ang ebidensiya na nagtrabaho sila ay dapat namang pagbigyan. Dahil lang sa walang mga padrino kung kaya’t tuluyang pinarusahan at sinibak sa puwesto.
May mali rin naman ang inspecting team dahil hindi naman nila kabisado ang mga lugar sa Kamaynilaan kaya mali ang mga lugar na kanilang pinuntahan na dahilan upang itala nila na walang checkpoint.

At ito ang hindi kayang tanggapin ng mga opisyal ni Chief Supt. Marcelo Garbo, NCR director, kung kaya’t nanindigan sila sa kanilang report sa kanilang boss. Ito namang boss ng NCR, ipinipilit na dinidisiplina lang niya ang kanyang mga nasasakupan. Maling pagdidisiplina dahil kahit walang kasalanan ay pinarurusahan dahil sa paninindigan niya na siya ang hari kaya ‘di mababali ang kanyang utos.

Bakit hindi muna ang mga tauhan sa mismong bakuran niya ang sitahin at ilagay sa “Balik-Aral” ni Garbo? Mahusay kasi ang mga tauhan niya sa pagtunton ng mga sugalan upang patimbrehin sa kanila pero mahina sila pagdating sa mismong trabaho.

o0o

Hindi ko alam kung inggit o tuwa ang nararamdaman ko kay Supt. Villamor Tuliao, hepe ng Manila Police District–Intelligence Division, nang dalawin ko ito sa kanyang tanggapan kamakailan.

Ilang minuto pa lang ako sa opisina ni Tuliao ay dumating ang kanyang ina para dalawin ito. Natutuwa ako dahil ipinagmamalaki ng opisyal na pinalaki silang magkakapatid ng kanilang ina sa pagtitinda kaya narating nila ang kanilang estado sa ngayon. Iginigiit nito na malapit sa puso niya ang vendors kaya’t ‘di rin siya pabor sa pagpapahirap sa mga ito.
Naiinggit ako dahil ang kanyang ina man ay ipinagmamalaki siya na napakabuting anak. Ilang beses na raw nakapunta sa ibang bansa ang mga magulang ng opisyal dahil ipinapasyal sila ng kanilang anak. Pangarap ko rin kasi na madala sa ibang bansa ang aking ina noong nabubuhay pa ito at maibigay ang lahat ng bagay na puwedeng magpasaya sa kanya, pero hindi ako pinalad dahil namatay na siya.

Sana, lahat ng opisyal na may mga magulang pa ay maging katulad ng colonel na ito na nagmamahal sa kanyang pinagmulan upang mawala man ang mga magulang nila ay wala nang pagsisisihan.

The post RD, ‘DI TUMATANGGAP NG PAGKAKAMALI appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>