SA pagdapo ni “Yolanda” sa Kabisayaan, partikular sa lalawigan ng Samar at Leyte, maraming bagay ang nasubukan at napatunayan ng mga Filipino.
Matinding pagsubok ito, parekoy, sa pisikal at emosyunal na kakayahan ng ating mga kababayan doon na sa awa ng Diyos ay kanilang naipamalas ang ibayong katatagan.
Pagsubok din ito sa kahandaan ng pamahalaan kung gaano sila kahanda sa mga kahalintulad na sakuna at kung gaano sila kadeterminadong gumanap sa tungkulin nang walang halong pamumulitika.
Sa awa naman ni Barabas… bagsak! Pwe!
Sinubok din ni “Yolanda” ang pagmamahal sa atin ng ibang bansa, at nakita naman ng buong daigdig na hanggang ngayon ay hindi nila tayo iniiwanan.
Naroroon pa sila na nag-aasikaso sa mga kawawang biktima.
Katunayan, nauna pang nilayasan ni PNoy ang Tacloban!
Ehek!
Ang dahilan ay ang deklarasyon ng Supreme Court na iligal ang PDAF, na pinangungulimbatan ng napakaraming opisyal ng pamahalaan.
Hijo de putang pera ka . . . Ikaw talaga ang ugat ng lahat ng kasamaan!
Ngunit higit sa nabanggit na mga pagsubok ng tadhana, nagsagawa rin ng sariling pagsubok ang ilan nating opisyal.
Sinubukan, parekoy, ng ilang opisyal ng PAF kung gaano sila kagago.
Ang masakit, nang mapatunayan ito ay hindi sila ang tumanggap ng hapdi, bagkus ay idinagdag ito sa mga kawawang biktima!
Ganito ‘yun.
Upang matakasan ang matinding kahirapan at trauma na dinanas, libo-libong kababayan natin ang agarang sumakay sa C-130 papuntang Maynila. At habang ang karamihan sa kanila ay inaaruga sa mga “tent” sa Villamor Air Base sa Pasay City, walang pakundangan silang inilipat sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.
Sabagay, nang mapatunayan naman ng pamunuan ng Airforce na dagdag pahirap lang ito sa dati nang hirap na hirap na mga biktima ay agad din silang ibinalik sa Villamor Air Base. At kaagad ding nilinaw ni PAF spokesman Col. Miguel Okol na ang kanilang ginawa ay isa lamang testing o pagsubok!
Next time, Col. Miguel Okol, anomang ideya ninyo na hindi pa nasusubukan ay roon na lamang muna ninyo i-testing sa lelang mong panot.
Huwag diyan sa mga biktimang hindi na makagulapay sa hirap!
Isa pa, kernel, huwag mo ring babasahin nang pabaligtad ang iyong apelyidong OKOL!
Hak, hak, hak!
-o0o-
May katotohanan nga kaya na ilang matataas na opisyal ng NBI ang patong sa Universe Girl Club?
Hmmmmm.
The post PAGSUBOK SA MGA BIKTIMA AT NBI SA “UNIVERSE CLUB” appeared first on Remate.