Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SADYANG WINAWASAK SI PACMAN

$
0
0

BALETODO LOGObaletodoMATAPOS ilabas mismo ng Bureau of Internal Revenue sa mass media ang ginawa nilang panghihiya (hindi paniningil), ang mga boss sa Malacañang ngayon ang nagpapayo kay Pambansang Kamao, 8th Division World champion Manny “Pacman” Pacquiao na huwag dalhin sa media ang reklamo ng pang-aabuso ng BIR?

Sinabi iyan ni Secretary to the Cabinet Rene Almendras, na kinopya naman, este, ipinayo rin naman ni Benigno Simeon Aquino III sa kanyang pagbisita sa Bohol. Huwag dalhin sa media? Sino ba ang nagsimula ng paputok na iyan sa mass media? BIR, hindi ba Commissioner Kim Henares?

Kung kayo kaya ang nasa sapatos ni Manny “D Pacman” na ang puhunan ay dugo, pawis at buhay para lang kumita, tapos, kukumpiskahin ang inyong pinaghirapan, matutuwa ba kayo? Muli, okay sa akin na singilin ninyo si Pacquiao sa anomang bayarin na buwis pero ang ginagawa ninyo ay pangwawasak sa kanyang pagkatao at buhay.

Mali nga ang Magna Carta For OFWs, eh. Ang kinikilala lang kasi ng pamahalaan ay mga manggagawang Filipino na dumarayo sa ibang bansa para magtrabaho. At para ituring sila bilang Overseas Filipino Worker, kailangang rehistrado sila sa Philippine Overseas Employment Administration.

Paano ‘yung mga sandali lang na naghanapbuhay katulad ni Manny, mga billiard player, golfer, racer, chesser at marami pa na isang linggo hanggang isang buwan lang ang laro nila? Sila na pawang propesyunal sa kani-kanilang propesyon sa sports na kumikita rin ng daang libo na dolyar at nagbubuwis din ng buhay sa mga bansa na kanilang dinarayo. Hindi ba sila maituturing na mga OFW? Mag-isip kayo!

Ang matindi pa, hindi lang si Manny kundi ang lahat ng mga manlalaro natin na nag-uwi ng karangalan sa bansa at nagpataas sa pagkilala at pagrespeto sa bawat Filipino. Wala bang timbang man lang sa inyong rehimen iyan, Mr. Aquino?
Tiyak, pinagtatawanan na naman tayo ng maraming bansa, ng kanilang mamamayan dahil sa ginagawa ninyong paninira at pagwasak kay Manny Pacquiao. Tiyak, aani kayo ng puna at kritisismo sa mundo ng sports lalo na sa boksing. Nakahihiya kayo sa anomang sukatan, Mr. Noynoy, Kim Henares at mga kakutsaba ninyo sa paninira sa ating Pambansang Kamao.

Tapos sasabihan ninyo siya ngayon na huwag dalhin sa mass media ang kanyang hinaing? Eh, kayo ang ayaw makinig. Kung nagkamali man noong 2009 na sinasabi ninyo ngayon na hindi nag-file si Pacman sa IRS ng Amerika, hindi o wala siyang kasalanan kahit katiting doon.

Ang sisihin ninyo ay si Bob Arum ng Top Rank Promotions dahil siya lahat ang may hawak sa bawat pondo na nakalaan sa bawat laban ni Manny sa Amerika.

Hindi naman kayo mga bobo at boba. Kung sa una hanggang tatlong laban ni Manny sa Amerika ay hindi siya nagbabayad ng buwis doon, makakapitong laban ba siya at hindi makukulong?

Nag-iisip ba kayo sa pangwawasak ninyo sa ating Pambansang Kamao?

The post SADYANG WINAWASAK SI PACMAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>