Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TAPUSIN NA

$
0
0

sibol5SABI ko na nga ba. Kapag pinaglaruan ang isyu ng buwis, o hindi raw pagbabayad ng buwis daw ni Cong. Manny Pacquiao, ay marami ang masasaktan at maiilang.

Nakalulungkot mang umabot na sa Plenaryo ng Kongreso ang isyu.

Kaya lalong lumaki at patuloy na lumalaki.

Ang resulta, patuloy na napapahiya ang Pambansang Kamao, patuloy na nasasaktan ang mga taong nagmamahal sa kanya, patuloy na gumugulo ang mga usapin.

Halo-halo na ang mga opinyon tuloy na hindi naman natin alam kung nakabubuti o mas nakasasama.

Sabi ng lider ng Minorya ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na si Cong. Ronnie Zamora, ang kailangan lang daw ni Manny ay magaling na accountant at magaling na abogado.

Sabi pa ng kongresista, documentation lang naman umano ang naging problema ni Pacquiao at hindi naman daw tatakas sa kanyang obligasyon si Pacman.

Pero bakit nagkaganun? Palpak ba ang accountant ni Cong. Manny na hindi nito maprotektahan ang amo.

Bakit wala raw maipakitang pruweba ang kampo ni Pacman na nagbayad nga ito ng kaukulang buwis?

Pero may pagkukulang din umano si Kim Henares ng Bureu of Internal Revenue.

Akalain mong dalawang taon na raw pala ang atraso ni Manny sa BIR na kung kailan naman kauuwi pa lang nito galing sa isang matagumpay na laban na nagbigay dangal sa bansa ay saka pa siningil.

Ang sabi nga ng isa pang kongresman napahiya raw si Pacman, ang dagdag pa ng naghihimutok na si Mommy Dionesia, hindi naman daw ninakaw ng anak ang pera nito bakit kung tratuhin ay ganun na lang.

Hindi naman ‘yun ang isyu. Patuloy na lumalala ang usapin, at sa susunod na linggo ay nakatakdang parangalan si Cong. Manny Pacquiao ng kanyang mga kasamahan sa Kongreso kaya nananawagan ang ilang kongresista na maimbestigahan ang pinagbibintangan nilang maling proseso ni Kim Henares.
Ang sabi ng mga cong., hindi raw ito ang unang pagkakataon na pinahiya ng BIR ang ilang malalaking tax payers dahil sa palpak na pag-assess at pagkolekta ng buwis.

The post TAPUSIN NA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>