SIMULA 1995 nang unang umupo si Eufrocino Codilla Sr. bilang alkalde ng Ormoc City ay nagtuloy-tuloy na ang “karisma” ng mga Codilla, hindi lang sa Ormoc, kundi maging sa buong distrito.
Katunayan, matapos ang tatlong termino ng matandang “Dodong Codilla” ay naging Congressman ito.
Ang mga anak na sina Biboy Codilla ay tatlong termino rin na naging alkalde ng Ormoc at Eming Codilla ay nakaupo ngayon bilang 3rd termer Kanangga Mayor.
At ang kasalukuyang mayor ng Ormoc ay ang isa pang anak ni “Dodong” na si Ondo Codilla.
Ngunit kung maituturing na “Samson” ang lakas sa pulitika ng mga Codilla sa Ormoc City, nanganganib, parekoy, na mismong ang asawang si Delilah ang uubos ng lakas ni Samson!
Ayon kasi sa napakaraming Ormocanon, ang asawa ni Mayor Ondo Codilla na si Ma’am Violy ang pinanggagalingan ngayon ng pagkakawatak-watak hindi lang ng mga Ormocanon kundi ng mismong mga lider sa pulitika ng pamilya!
Masyadong maepal na kung umasta ay masahol pa sa kanyang asawang mayor at akala mo kung sinong matalino, pero puro palpak naman ang mga ideya! Abangan!
-o0o-
HINDI kagaya ng napakaraming iligalista sa erya ng Southern Police District na tahimik lang na nag-o-operate ng kanilang iligal na sugal, kaiba ang istayl nitong si Len Aguado. Maliban sa kanyang malawakang iligal na sugal na “lotteng at bookies” ay masyado pa itong maangas ayon sa ating tawiwit.
Ang bukambibig ni Len Aguado ay rekta siya kay SPD Dir. C/Supt. Jose Erwin Villacorte kaya walang sinoman na maaaring bumulilyaso sa kanyang operasyon.
‘Langya rin naman ang istayl ng GL na ito, ah, bakit, pati ba ang iyong “weekly protection money” ay rekta mong ipinadadala kay Gen. Villacorte?
Ibig mo bang sabihin, Len Aguado, ay walang SPD collector na dinaraanan ang iyong parating? Kalokohan ‘yan. Walang director na rektang tatanggap mula sa gambling lord. Maliban lang kung talagang matindi nga ang inyong “bonding!” Ha, ha, ha!
Ano ang masasabi mo, Gen. Villacorte? Sampolan mo nga itong si Aguado para matigil na ang kabibitbit sa pangalan mo, sir!
Atensyon, NCRPO boss, C/Supt. Marcelo Garbo, lifted na ho ba ang inyong “one strike policy”?
Heto pa. Kaya pala tiwala itong si Len Aguado na hindi siya masasaling ng media ay dahil magkumpare sila nina Toto Lacson at ng isang “kolumnista”.
Ha, bakit? Bakit, ano ‘yun? Hek, hek, hek!
The post LOTTENG NI LEN AGUADO AT ‘DELILAH’ NG ORMOC appeared first on Remate.