Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

POZORRUBIO MAYOR ARTEMIO CHAN, KILOS!

$
0
0

bong_padua1SI Mayor Artermio Chan ay ‘well-loved’ ng mga taga-Pozorrubio, Pangasinan kung ang basehan ay ang suportang ipinakikita ng mga kababayan.

Patunay ang paulit-ulit na pagkakahalal nito bilang punongbayan. Katunayan, halos dalawang dekada na ang mga Chan sa posisyon.

May isang termino na ang maybahay na si Emma ang naging mayora para lamang hindi maagaw sa pamamahala ng mga Chan ang Pozorrubio.

Napakaraming nagtangka, subalit walang nagtagumpay. Ito’y dahil sa wala pang ipinanganganak na maaaring maggupo sa Chan family.

Dumadalaw ako sa bayan na ito ng Pangasinan. Maliit na maituturing, pero ramdam ang patuloy na pag-unlad dito sa kamay ng mga Chan.

Wala akong narinig na negatibo kay mayor maliban sa pagwawalang-bahala umano  sa lantarang operasyon ng iligal sa kanyang bayan.

Jueteng, STL bookies, lotteng  at iba pang uri ng sugal ay namamayagpag sa Pozorrubio, ayon sa sumbong sa Chokepoint. Isa sa inirereklamo ay ang operasyon ng ‘mini-casino’ na pergalan sa mismong harap ng town hall at Pozorrubio police headquarters.

Sumusulpot ang nasabing pergalan tuwing pagsapit ng Setyembre kada-taon at nagtatagal hanggang anim na buwan ang operasyon.

Drop-ball ang kinagigiliwang laro ng mga manunugal dito, bukod pa sa ibang laro na nagsisimula ng umaga hanggang madaling-araw.

Ang masama, walang pinipiling manlalaro o manunugal dahil kahit batang paslit ay pinapayagang tumaya, ayon sa sumbong sa atin.

Sa rami ng mananaya, walang panama ang maliit na casino sa dami ng taong nagsisiksikan para makasingit at makapaglatag ng taya.

Marami ring ikinuwento sa atin na mga batang inutusang bumili ng bigas, sabon, suka na imbes na bumili ay sa pergalan na ito dumidiretso.

Ang resulta – ang pambibili ng bigas atbp. ay sa pergalan na ito napupunta.

Maaaring kay Mayor Chan, ang operasyon ng pergalan sa harap ng munisipyo ay kasiyahan sa mananaya, pero sa atin, ito’y malaking problema na sa kalaunan ay magdudulot ng problema sa kabuhayan ng maraming taga-Pozorrubio na nalululong na sa ‘mini-casino’ na ito.

Aabangan natin ang pagkilos nina Mayor Artermio Chan, PD Marlou Chan at C/Insp. Michael Saguing Grona ukol dito.

The post POZORRUBIO MAYOR ARTEMIO CHAN, KILOS! appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>