Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

RECONSTRUCTION CZAR AT GEN. LAUREL HILA SA SUGAL

$
0
0

burdado- jun brionesPASINTABI po sa mga naniniwala na si dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson ay may bahid ng dugo sa kanyang mga kamay.

Sa ganang akin kasi, nagsalita na ang korte hinggil sa mga kasong isinampa laban kay Lacson.

Ang higit, parekoy, na binibigyan natin ng konsiderasyon sa usaping tatalakayin ay kung kaninong kamay ang walang bahid ng PDAF o pangungurakot sa pondo ng pamahalaan!

Tungkol po ito sa pagtalaga ni PNoy kay Lacson bilang “Reconstruction and Rehabilitation czar” sa mga lugar na mariing sinalanta ng mga kalamidad, gaya ng lindol sa Bohol at ni bagyong “Yolanda.”

Kung susuriing mabuti, hindi ordinaryong kakayahan o pagkatao ang nararapat na taglay ng sinomang itatalaga sa nasabing posisyon.

Dahil ang perang ibubuhos ng pamahalaan sa pagsasaayos ng nasabing mga lugar ay tumataginting na bilyones na posibleng kurakutin lang ng uupong opisyal!

Higit sa lahat, magkakaiba ang kulay-pulitika ng local officials na namumuno sa mga lugar na ito.

Na kung mahina ang dibdib sa pressure ng mga opisyal sa Palasyo na may sariling pangarap sa 2016 ay baka may lugar na made-dehado.

Lalo na ang mga posibleng pakiusap nina Binay at Roxas!

Hindi natin personal na kilala at lalo namang hindi ako kilala nitong si Lacson. Pero kung pagbabasehan ang rekord sa pera, ito lang ang senador na hindi man lang nabahiran ng iskandalo sa PDAF o DAP.

At mariin ang prinsipyo laban sa anomang pressure!

-o0o-

KUNG dati ay ang pangalan lang ni Mayor Benhur Abalos ang kaladkad ng gambling lords na sina Chris at Rose sa pamamayagpag ng kanilang iligal na sugal na “bookies at lotteng” sa Mandaluyong City, ngayon ay hila na rin nila ang pangalan ng Eastern Police District (EPD) Director.

Tumpak po, C/Supt. Miguel Laurel, sir, ipinagyayabang na rin nitong dalawang iligalista na regular ang kanilang lingguhang parating para sa iyong tagatanggap, este tanggapan.

‘Yan daw ang dahilan kung bakit kampante si Mandaluyong City police Chief S/Supt. Tyron Masigon na hindi mo siya dadalihin sa “one strike policy” dahil sagot siya nina Chris at Rose.

Langya itong hinayupak na mga GL, pati ang “bango” ng Laurel ay gusto pang pabantutin kasabay ng kanilang iligal!

Ano ba, Gen. Laurel, hahayaan mo na lang ba sila na kaladkarin ang iyong pangalan?

Iparatsada mo naman sila, sir, ‘pag may time! He, he, he!

The post RECONSTRUCTION CZAR AT GEN. LAUREL HILA SA SUGAL appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>