Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

RESIGN ROXAS, SOLIMAN, ROMUALDEZ AT IBA PA

$
0
0

ito ang totooPULITIKA na ang balitaktakan kaugnay ng hindi maitatatwang kapalpakan mula sa paghahanda hanggang sa responde sa pangangailangan matapos dumaan ang super bagyong Yolanda.

Ito Ang Totoo: nagtuturuan ang lokal na pamahalaan, partikular si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, at pambansang pamahalaan, partikular sina Pangulong Aquino at Interior & Local Govt. Sec. Mar Roxas.

Balikan nga natin ang mga pangyayari. Halos isang linggo bago ang super bagyo, araw-araw na sa balita, lokal at internasyunal, ang inaasahang bangis at panganib nito kaya pupuwedeng paghandaan ito.

Hindi pinaghandaan nang totohanan ang bagyong daraan, hindi ito mapasusubalian, dahil kung nakahanda, hindi sana marami ang nangamatay na mamamayan. Malinaw ang kapabayaan ng lokal na gobyerno sa paghahanda kaya kung may sisisihin man si Romualdez, walang iba kundi ang sarili niya sa kapabayaan kundi man katangahan.

Nang maganap na ang sakuna, nalantad ang kawalan ng kahandaan ng pambansang pamahalaan. Ang masaklap, hindi na nga makatugon agad sa pangangailangan ng mga biktima, pulitika pa ang nasa kukote ni Roxas sa ngalan ni PNoy.

Ungas itong si Roxas dahil, una, sa harap ng napakalalang sitwasyon na inutil na ang lokal na pamahalaan, hindi na kailangan ng permiso para tumulong sa mga nasalantang mamamayan.

Pangalawa, masasalamin sa mga salita at aksiyon niya na pulitika ang iniisip, mapaano man ang eksena, marahil dahil sa masidhing pagnanasang maging Pangulo ng bansa.

Palpak man ang pambansang pamahalaan, pero nauna na ang kapalpakan ni Romualdez na nasa posisyon sana na iiwas sa siguradong kapahamakan ang kanyang mga nasasakupan.

Ito Ang Totoo: walang karapatan si Romualdez na manisi dahil una, siya dapat ang masisi bago pa si PNoy, Roxas, et. al.

Malinaw rin ang kapalpakan ng Dept. of Social Welfare and Development dahil bigo ito na makatugon agad sa pangangailangan ng mga sinalanta ng bagyo.

Kaya bukod kay Roxas, dapat magbitiw na sa pwesto si DSWD Sec. Dinky Soliman, kung may katiting man siyang kahihiyan.

Pero una, dapat mag-resign si “drama king” Romualdez kung may delicadeza pa siyang natitira.

Ito Ang Totoo!

The post RESIGN ROXAS, SOLIMAN, ROMUALDEZ AT IBA PA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>