Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

UN PROBE, SAMPAL SA AQUINO GOV’T

$
0
0

_lily reyesINIIMBESTIGAHAN na raw ng United Nations ang kanilang mga natatanggap na report na wala pa umanong tinatanggap na relief goods ang ilan nating kababayan na biktima ng super typhoon Yolanda, partikular na ang mga nasa liblib na lugar.

Malaki raw ang tiwala nitong si UN Undersecretary General for Humanitarian Affairs and Emergency Relief Coordinator Valerie Amos na maayos na nagampanan ng Gobyernong Aquino ang trabaho at responsibilidad sa pagtulong sa mga naapektuhan ng bagyo.

Sinasabing ang pagpapaimbestiga raw ng UN ay dahil sa kanilang tinatanggap na report sa mga taga-media kaugnay sa mga hinaing ng ilang biktima ng kalamidad na mga nasa evacuation center na umaasa pa ring may darating pang relief goods para sa kanilang lahat.

Ang pagpapaimbestigang ito ng UN ay hindi lang sampal sa gobyernong Aquino kundi maging sa lahat ng mga Filipino.

At ‘yung ating mga kababayan na nasa ibang bansa, sa palagay ko ay hiyang-hiya sa  pagpapaimbestiga ng UN sa relief goods na bigay ng iba’t ibang bansa para sa mga biktima ng kalamidad.

HINDI PASYALAN O PARKE ANG SIMBAHAN

APAT na araw na lang at magsisimula na ang Simbang Gabi at asahan nang puno na naman ang mga simbahan at magpipiyesta na naman ang mga snatcher, mandurukot at libreng-libre na naman ang mga magsing-irog.

Kailan kaya matututo ang ilang tao na ituring ang simbahan na isang sagradong lugar at ito ay lugar kung saan nananalangin nang mataimtim  ang tao at ito rin ay tahanan ng ating Panginoon?

Ang simbahan ay hindi isang parke o pasyalan o sinehan o motel, ito ay hindi lugar ng pagyayakapan, paghahalikan at romansahan ng mga magsing-irog.

Kung gusto ninyong mamasyal ay marami kayong mapupuntahang magagandang tanawin o kaya ay sa mall at kung ang intensyon n’yo naman ay makipaglambingan, mayroon po tayong mga sinehan o kaya ay mga motel.

Doon po kayo magpunta.

Ang paglalambingan ng dalawang taong nagmamahalan ay hindi ipinakikita sa publiko tulad ng pagyayakapan at paghahalikan sa loob ng simbahan kung saan ay maraming tao ang nananalangin.

Sana ay maintindihan ng mga magsing-irog na hindi sila nakatutuwa kundi nakaiistorbo sa mga taimtim na nagdarasal sa loob ng simbahan.

Paalala lang po roon sa mga magulang, siguruhing sa simbahan nga ang punta ng inyong mga anak at hindi para makipagtagpo sa kanilang mga boyfriend o girlfriend.

The post UN PROBE, SAMPAL SA AQUINO GOV’T appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>