MASAKIT na ang aking headache sa kaiisip kung bakit kailangan pa talaga ni DILG Mar Roxas ang “sulat” mula kay Mayor Romualdez bago makapagbigay ng agarang ayuda ang national government para sa Tacloban City ilang araw matapos manalasa si “Yolanda.”
Sa ganoon katinding kalamidad, na maging ang anomang ayuda ng mga dayuhan ay pinasasalamatan natin, naghinala pa rin ba si Mar Roxas na mamasamain pa tuloy ng taumbayan ang tulong ng ating gobyerno? Anong klaseng kaisipan ‘yan? Tangna!
Pangalawa, sa ganoong sitwasyon na naghambalang na ang napakaraming bangkay, bakit kailangang magbanggitan pa ng mga apelyidong Aquino at Romualdez? ‘Di ba pwedeng isali rin ang apelyidong Briones? Ehek! O kaya Leviste at Napoles, para masaya! Hak, hak, hak!
Ngayon, Aling Korina, alam mo na ang dahilan kung bakit umiyak si Mayor Romualdez sa pagdinig sa Senado? Opps, pakinggan n’yo, parekoy, itong yabang ni Mar Roxas bilang sagot sa ibinulgar ni Romualdez, “frontline gov’t agencies were deployed in full force to ensure maximum delivery of essential services and assistance in the affected communities.”
Ha? Pakiulit nga po? May ganito bang nangyari “immediately after” na humambalos si Yolanda?
Pero hanga rin tayo kay PNoy kung gaano nito kabilis na saklolohan si Mar sa isang pahayag na; “Huwag nang magsisihan dahil ang paninisi ay maliwanag na isang dis-service sa ating bansa.”
Look whose talking! Halos apat na taon ka nang puro paninisi, mahal na Pangulo, alam mo ba ‘yun? At ilang araw lang matapos ang sakuna, ‘di ba ikaw ang unang nanisi roon sa Tacloban? May pa-walk out, walk out ka pa ngang nalalaman, eh! Mali ba si parekoy kung sasabihin niya na mag-aapat na taon ka ng dis-service sa ating lupang hinirang? Ha?
-o0o-
KUNG pagbabasehan ang kapabayaan o kapalpakan ni MPD Director C/Supt. Isagani Genabe Jr. ay mapagtatantong sinasabotahe o winawasak nito ang administrasyon ni Manila Mayor Erap Estrada.
Biruin mo, parekoy, lahat na yata ng iligal na gawain ay nasa Maynila na pero nananatiling tahimik at pakuya-kuyakoy lang si Gen. Genabe!
Katunayan, maraming opisyal sa MPD ang naniniwala na sandamakmak ang “lingguhang parating” sa tanggapan ni Genabe, lalo na ang mula sa iligal na sugal.
Siya nga pala, Gen. Ganabe, totoo ba na kaya nakalatag sa buong Maynila ang mga makina ng VK queen na si Gina Gutierrez dahil ikaw mismo ang patong?
The post DIS-SERVICE TO OUR COUNTRY AT ERAP WINASAK NI GENABE appeared first on Remate.