Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SUBIC AT NATIONAL HISTORICAL COMMISSION

$
0
0

ito ang totooMAKASAYSAYAN talaga ang “Port of Subic” at dahil naging base nabal ito ng mga Espanyol, Ingles, Amerikano at maging Hapon, walang dudang bahagi ito sa tinakbo ng kasaysayan ng Pilipinas.

Ito Ang Totoo: kinilala na ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang “Port of Subic” bilang “historical site” at naglagay, sa isang simpleng seremonya, ng “commemorative marker” sa labi ng Spanish Gate na itinayo noong 1885 ng mga Espanyol.

Nasa loob na ng Subic Freeport ang Spanish Gate na matatagpuan sa tumbok ng Dewey Avenue sa kahabaan ng Sampson Road malapit sa Alava Pier, malayo-layo na sa kasalukuyang “gates” na itinakda ng mga Amerikano noong base nabal nila ang Subic.

Ayon sa NHCP, sa deklarasyong “historical site” ng “Port of Subic,” kinikilala ang kontribusyon ng manggagawang Filipino sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Ito Ang Totoo: malaki ang pasasalamat ng mga taga-Olongapo, Zambales at Bataan kay Subic Bay Metropolitan Authority Chair & Administrator Roberto V. Garcia sa preserbasyon ng “Spanish Gate.”

Meron kasing mga bugok na miyembro ng “Board” na gustong ipaalis ang “Spanish Gate” sa kinatitirikan nito para mapaupahan daw sa mga “investor.”

Mabuti naman at hindi pumayag si Chairman Garcia at matitinong miyembro ng “Board”. (Opo, Pangulong Aquino, may mga in-appoint kayo sa SBMA Board na bugok at masisiba.)

Meron namang “historical structure” sa Subic Freeport, ang “Admiral’s Guest House” na hindi nakaligtas sa maniobra ng mga walang malasakit sa kasaysayan kaya nagiba at tinayuan ng hotel at restaurant.

Ang “Admiral’s Guest House” ay nagsilbing ospital din ng base nabal ng Kano noong unang bahagi ng 1900’s.

Maraming tinanggihan na gustong magtayo ng negosyo sa lugar ng “Admiral’s Guest House” pero noong panahon ni dating SBMA Administrator Armand Arreza, nakuha ito nang walang upa ng pamilya Lorenzana na noo’y may miyembro sa SBMA Board.

Kung talagang tagapangalaga ng makasaysayang mga lugar ang NHCP, may gagawin silang aksyon sa paninira sa “Admiral’s Guest House,” sa lalong madaling panahon. Ito Ang Totoo!

The post SUBIC AT NATIONAL HISTORICAL COMMISSION appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES